February 2018

Ang Sawikain at ang mga Halimbawa Nito

Ano ang Sawikain?

Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar. Ito'y ay nagbibigay ng di tuwirang kahulugan.

Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa:
1. Idyoma - isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.
2. Moto - parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.
3. Salawikain - mga kasabihan o kawikaan.

Mga Halimbawa ng Sawikain

Ano ang ibig sabihin ng salitang...

1. Butas ang bulsa - walang pera
Halimbawa:
Palagi nalang butas ang bulsa mo dahil palagi ka nagsusugal.

2. Ilaw ng tahanan – ina
Halimbawa:
Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa pagluluto.

3. Alog na ng baba - tanda na
Halimbawa:
Alog na ng baba na kayo para magbuhat ng mabigat.

4. Alimuom – mabaho
Halimbawa:
Alimuom niyo naman po.

5. Bahag ang buntot – duwag
Halimbawa:
Bakit ba bahag ang buntot mo?

6. Ikurus sa noo – tandaan
Halimbawa:
Ikurus sa noo mo na akong bahala sa iyo.

7. Bukas ang palad – matulungin
Halimbawa:
Napakabukas ang palad mo.

8. Kapilas ng buhay – asawa
Halimbawa:
Ang aking ina ay may kapilas ng buhay.

9. Nagbibilang ng poste - walang trabaho
Halimbawa:
Bakit siya ay nagbibilang ng poste?

10. Basag ang pula - luko-luko
Halimbawa:
Napaka basag ang pula mo .

11. Ibaon sa hukay – kalimutan
Halimbawa:
Huwag mo ako ibaon sa hukay.

12. Ahas - taksil; traidor
Halimbawa:
Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas.

13. Anak-dalita - mahirap
Halimbawa:
Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.

14. Alilang-kanin - utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa:
"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang."

15. Balitang-kutsero - balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.
Halimbawa:
Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero.

16. Balik-harap - mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.
Halimbawa:
Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan.

17. Bantay-salakay - taong nagbabait-baitan
Halimbawa:
Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.

18. Basa ang papel - bistado na
Halimbawa:
Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si Ginang Matutina.

19. Buwaya sa katihan - ususera, nagpapautang na malaki ang tubo
Halimbawa:
Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo?

20. Bukal sa loob - taos puso tapat
Halimbawa:
Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan.

21. Busilak ang puso - malinis ang kalooban
Halimbawa:
Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at binigyan ng medalya ng pamunuan ng Cebu.

22. Di madapuang langaw - maganda ang bihis
Halimbawa:
Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo.

23. Di makabasag-pinggan - mahinhin
Halimbawa:
Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si Nena.

24. Hampaslupa - lagalag, busabos
Halimbawa:
Lagi kang laman ng lansangan, para kang hampaslupa.

25. Isang kahig, isangtuka - kakarampot na kita na hindi makasapat sa ibang pangangailangan
Halimbawa:
Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng buhay.

26. Itaga sa bato - tandaan
Halimbawa:
Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa,gaano man kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.

27. Itim na tupa - masamang anak
Halimbawa:
Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang nagiging itim na tupa.

28. Kalapating mababa ang lipad - babaing nagbibili ng aliw, babaing puta
Halimbawa:
Maraming kalapating mababa ang lipad ang nakatayo sa gilid ng sinehan ng Odeon sa Sta. Cruz, Manila.

29. Kakaning-itik - walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan
Halimbawa:
Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. Tumanda na sa pagtratrabahoang anak ni Mang Julio ngunit kakaning-itik pa rin ang kinikita.

30. Pagputi ng uwak - walang maaasahan, walang kahihinatnan
Halimbawa:
Singil ka ng singil kay Aling Greta. Babayaran ka niyan pagputi ng uwak.

31. Pagiisang dibdib - kasal
Halimbawa:
Ang pag-iisang dibdib nina Adila at Conrado ay gaganapin sa Oktubre 18 sa darating na taon.

32. Pusong-bakal - hindi marunong magpatawad
Halimbawa:
Ganyan ba ang sinasabi ninyong relihiyosa at maawain gayong may pusong-bakal naman at mapagtanim ng galit sa kapwa?

33. Tinik sa lalamunan - hadlang sa layunin
Halimbawa:
Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhinna lagi nang nakaayon sa kalabang pulitiko.

34. Tulak ng bibig - salita lamang, di tunay sa loob
Halimbawa:
Huwag mong asahan ang pangakong binitawan ng kongresman... iyun ay tulak ng bibig lamang, alam mo naman ang mga pulitiko.

35. Maamong kordero - mabait na tao
Halimbawa:
Ang anak ni Aling Agnes ay tila maamong kordero kaya laging pinupuri ng kanyang guro.

36. Mahangin ang ulo - mayabang
Halimbawa:
Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging mahangin ang ulo ng mga anak nitong lalaki.

37. Matalas ang ulo - matalino
Halimbawa:
Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may karangalan Valedictorian at Magnacum Laude.

38. Mahina ang loob - duwag
Halimbawa:
Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan upang hindi manganib ang buhay.

39. Malakas ang loob - matapang
Halimbawa:
Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng apat na holdaper sa loob ng pampasaherong dyip.

40. Makapal ang bulsa - mapera
Halimbawa:
Kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni Renan kaya hindi nakapagtataka kung si Renan ay laging makapal ang bulsa.

41. Makapal ang palad - masipag
Halimbawa:
Makapal ang palad ni Eduardo kaya umunlad ang kanyang buhay. Isa na siyang milyonaryo.

42. Magdilang-anghel - magkatotoo sana
Halimbawa:
Hinahangad mong sana'y magwagi ako ng unang gantimpala, magdilang-anghel ka sana.

43. Kapit-tuko - mahigpit ang hawak
Halimbawa:
Kapit-tuko ang secretarya sa kanyang posisyon kahit na nalulugi ang kompanya at malapit ng magsara.

44. Kidlat sa bilis - napakabilis
Halimbawa:
Ang action star na si Cesar Montano ay kidlat sa bilis kung ang pinag-uusapan ay ang nga ginagawa niyang action movies.

45. Kilos-pagong - makupad,mabagal
Halimbawa:
Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi.

46. Mababaw ang luha - iyakin
Halimbawa:
Masyadong mababaw ang luha ng aking kaibigan, kahit drama sa radyo o pelikula ay iniiyakan.

47. Mabigat ang dugo - di-makagiliwan
Halimbawa:
Aywan ko kung bakit mabigat ang dugo ng Lady Boss namin sa baguhang si Norma na isang probinsiyana.

48. Maitim ang budhi - tuso, masama ang ugali
Halimbawa:
Maitim ang budhi ng lalaking iyan kung kaya't labas-masok sa bilibid sa loob ng sampung taon.

49.Malikot ang kamay - kumukuha ng hindi kanya kawatan
Halimbawa:
Mag-ingat kayo sa lalaking iyan na kilalang malikot ang kamay. Mahirap na ang magsisi sa bandang huli.

50. Malawak ang isip - madaling umunawa, maraming nalalaman
Halimbawa:
Malaking karangalan ang makausap ang taong malawak ang isip. Marami kang matututunan, marami kang malalaman.

Ang Talambuhay at ang Iba't Ibang Uri Nito

Ano ang Talambuhay?

Ang talambuhay ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Bagaman maaring iugnay ang nilalaman nito sa mga pangyayaring humubog sa kasaysayan ng mga lahi o lipunan, nahahangganan ang sakop nito ng kapanganakan at kamatayan ng paksa nito. Ito ay dahil ang pangunahing tuon ng talambuhay ay ang paksa nitong tao, na siyang higit na binibigyang-pansin kaysa iba pang mga bagay.

Isinulat ang mga unang talambuhay upang magsilbing gabay ng mga mambabasa sa kanilang pamumuhay. Binigyang-pansin ng mga ito ang magagandang katangiang dapat tularan at di-magagandang katangiang dapat iwasan. Paglaon ay ginamit ang mga talambuhay hindi lamang upang dakilain ang magagandang katangian at batikusin ang di-magagandang katangian, kundi upang magbigay-impormasyon tungkol sa buhay ng paksa nitong tao.

Mga Uri ng Talambuhay

Maaring uriin ang talambuhay batay sa may-akda o nilalaman nito.

Uri ng talambuhay ayon sa may-akda
1. Talambuhay na Pansarili - paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na siya mismo ang sumulat.
2. Talambuhay na Pang-iba - paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na isinulat ng ibang tao.

May dalawang uri ng talambuhay na pang-iba.
1. Awtorisado - may pahintulot ng taong paksa ng talambuhay ang pagsusulat ng nasabing paglalahad.
2. Di-awtorisado - walang ganoong pahintulot. Maaaring maharap sa suliraning legal ang sumulat ng isang di-awtorisadiong talambuhay kung ito ay naglalaman ng maseselang impormasyon na itinuturing ng paksa na nakasisira sa kanyang pangalan o pagkatao.

Uri ng talambuhay ayon sa nilalaman
1. Talambuhay na Karaniwan - paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao mula pagsilang hanggang sa kanyang pagkamatay. Kasama rito ang mga detalye tulad ng kanyang mga magulang, mga kapatid, kapanganakan, edukasyon, mga karangalang natamo, mga naging tungkulin, mga nagawa, at iba pang mahahalagang bagay tungkol sa kanya.

2. Talambuhay na Di-karaniwan - hindi gaanong binibigyan-diin dito ang mahahalagang detalye tungkol sa buhay ng tao maliban kung ito’y may kaugnayan sa simulain ng paksa. Sa halip ay pinatutuunang-pansin dito ang kanyang mga layunin, adhikain, simulain, at paninindigan, at ang kaugnayan ng mga ito sa kanyang tagumpay o kabiguan.

5 Levels of Technology Integration in Teaching

There are Five (5) Levels of Technology Integration in Teaching: Entry Level, Adoption Level, Adaptation Level, Infusion Level, Transformation Level.

What are the Five (5) Levels of Technology Integration in Teaching?

1. Entry

The teacher begins to use technology tools to deliver curriculum content to students.

Active - Students are actively engaged in using technology as a tool rather than passively receiving information from the technology.
  • The goal of this activity was to learn order of operations The students explained why the answer to an equation was correct using PEMDAS. The teacher wrote a problem on the board and worked through it with the student’s assistance. The teacher was using an interactive white board and tablet to display work. Active/Entry- teacher is actively using technology to present a lesson and students are individually at computers using websites to learn. (Math)  
Collaborative - Students use technology tools to collaborate with others rather than working individually at all times.
  • Students are working at table groups with a teacher. Students read an article without images, visualize images, look at images and discuss vocabulary. The teacher is there facilitating learning. Collaborative/ Entry: Students are working together, and a laptop/ power point is used. The teacher is directly using the technology to present information to the students. (English) 
Constructive - Students use technology tools to connect new information to their prior knowledge rather than to passively receive information. 
  • Students use an iPad to complete practice multiplication problems. The teacher is not present. Constructive/ Entry: The teacher is using technology to teach multiplication. The students are asked to use the iPad to answer problems without guidance, forcing them to draw on previous knowledge.  
Authentic - Students use technology tools to link learning activities to the world beyond the instructional setting rather than working on decontextualized assignments.
  • Students watch a presentation on the stages of the life cycle of a tree, with pictures. The teacher presents. The students fill in the blanks and then use natural material to make their own tree cycle. This uses a PowerPoint Authentic/Entry: Students are using technology to learn and then are creating with the knowledge they just learned. The teacher is using PowerPoint to deliver information.  
Goal Directed - Students use technology tools to set goals, plan activities, monitor progress, and evaluate results rather than simply completing assignments without reflection.
  • Students work independently at computers. They receive a math lesson, activities, quiz and help if needed. The computer is like a game, reward correct and helping with wrong. The teacher provides the technology, and helps. Goal Directed/ Entry: The teacher begins the lesson and monitors, but mostly uses the technology do the lesson. The student must work alone and selfmonitor/ direct learning.  

2. Adoption

The teacher directs students in the conventional and procedural use of technology tools.

Active - Students are actively engaged in using technology as a tool rather than passively receiving information from the technology.
  • Students demonstrate their knowledge of colors by changing the words on a document to the correct color. The teacher wrote a story using color words. The teacher set up the computer and then directed students on how to use the computer to change colors on a word document. Active/ Adoption- students are actively engaged using technology and the teacher is directing students on technology use. (English)
Collaborative - Students use technology tools to collaborate with others rather than working individually at all times.
  • Students are working in partners at laptops, using electronic base ten blocks on a smart note book to solve division problems. The teacher demonstrates and walks around assisting. Collaborative/ Adoption: Students are using technology in groups to solve problems. The teacher is directing students in the use of technology and content knowledge. (Math)
Constructive - Students use technology tools to connect new information to their prior knowledge rather than to passively receive information. 
  • Students record themselves reading a passage out loud. They then listen to the recording and reflect on their fluency. The teacher can discuss the student’s fluency with the student. Constructive/ Adoption: Students read out loud and then listen to themselves. They have to understand good fluency to analyze their performance. The teacher directs students using computers/ recording, but then lets them go.
Authentic - Students use technology tools to link learning activities to the world beyond the instructional setting rather than working on decontextualized assignments.
  • Students use Science vocab to create a video on the word. They use story board, video, audio and the internet. The teacher is a facilitator. The students present their work. Authentic/ Adoption: the students are creating their own assessment, creating a physical product to show their knowledge. The teacher directs students but really lets them use the technology themselves.
Goal Directed - Students use technology tools to set goals, plan activities, monitor progress, and evaluate results rather than simply completing assignments without reflection.
  • Students use an interactive white board to categorize animals as predator or prey, then they use clickers to respond to questions on the board. The teacher guides the lesson, and walks through presentation. Goal Directed/Adoption: Students are using technology throughout the whole lesson, they learn from a video, monitor progress through digital responses and then work together to categorize. The teacher directs the use of tools, then lets the students work the smart board and clickers.

3. Adaptation

The teacher facilitates students in exploring and independently using technology tools.


Active - Students are actively engaged in using technology as a tool rather than passively receiving information from the technology.
  • Students work individually with remote responders to text information they learned from a reading. The teacher uses a document camera to show physical land features to students. Students use Keynote to create a quilt representing dangers faced by slaves, the teacher oversees. Active/Adaptation: Students are actively engaged using remote responders and keynote. The teacher is a technology guide rather than user. (History)
Collaborative - Students use technology tools to collaborate with others rather than working individually at all times.
  • Students researched biomes on the internet and then make a video demonstrating their knowledge. 8th graders are working with 5th graders. The teacher does the actual video- taping and assists, But the students are doing the majority of the work. Collaborative/Adaption: 8th grade students assist a 5th grade class with iMovie and laptop use. The teacher gives directions and assists but mostly lets the students explore independently.
Constructive - Students use technology tools to connect new information to their prior knowledge rather than to passively receive information. 
  • Students work in groups of 5 researching infectious diseases on the internet. The teacher gives guidelines but then lets the students go. The students get to pick a form of presentation, Constructive/Adaptation: Students are working in groups to gather new information on specific diseases, connecting it previous immunology lessons. The teacher lets students independently research online and choose a technological presentation form.
Authentic - Students use technology tools to link learning activities to the world beyond the instructional setting rather than working on decontextualized assignments.
  • Students use a digital camera to take pictures. They then upload the images to a word document and create math word problems to go with the pictures. The teacher monitors. Authentic/Adaptation: The students are working outside and inside the classroom. They are also creating their own problems. The teacher is a facilitator and lets the students independently explore with technology.
Goal Directed - Students use technology tools to set goals, plan activities, monitor progress, and evaluate results rather than simply completing assignments without reflection.
  • Students worked at computers to gather facts about fish and discuss with one another. Students then emailed, presented or made a movie with facts they gathered. The teacher gave guidance. Computers, email, PowerPoint and video were used. Goal Directed/ Adaptation: the students worked independently to learn, expand and assess. They also made decisions. The teacher guided, but then allowed for independent use of technology.

4. Infusion

The teacher provides the learning context and the students choose the technology tools to achieve the outcome.


Active - Students are actively engaged in using technology as a tool rather than passively receiving information from the technology.
  • The students were creating photo stories about monuments. The teacher walked through how to do a photo story but then let the students work. Photo story technology and computers and audio devices were used. Active/ Infusion: The students were actively using technology and the teacher provided the learning context while the students had choice to create their own product and use technology.
Collaborative - Students use technology tools to collaborate with others rather than working individually at all times.
  • Students are taking a stance and presenting on the effect of space exploration on the economy, It is all done through a wiki which allows for group discussion. Students can pick the technology they use and are doing online research Collaborative/Infusion: Work together through wiki on discussion boards and the teacher provides the wiki and the students can pick presentation type.
Constructive - Students use technology tools to connect new information to their prior knowledge rather than to passively receive information. 
  • Students are researching the life cycle of a duck and creating a PowerPoint on what they find. They also watch ducks hatch and write a creative story + a Web Quest. The teacher created a Web Quest. Constructive/Infusion: They connected the hatching to the Web Quest to their own research. While the teacher provided the Web Quest and guide.
Authentic - Students use technology tools to link learning activities to the world beyond the instructional setting rather than working on decontextualized assignments.
  • In groups, students take different roles to create a presentation on how to prevent a hurricane, the teacher observes and guides. PowerPoint, Excel, Internet Authentic/Infusion: The activity connected to the hurricanes occurring in their area which made it authentic and the teacher provides the guidelines so the students can research and apply ideas through technology.
Goal Directed - Students use technology tools to set goals, plan activities, monitor progress, and evaluate results rather than simply completing assignments without reflection.
  • The student completely designed this project. She sent in online requests, did online research, and created a powerpoint. The technology allowed her to gather extensive knowledge on the subject and actually build and share. Goal Directed/Infusion: the student uses technology to design her own project and lesson. The teacher provides context (math) and the student uses technology to get it done.

5. Transformation

The teacher encourages the innovative use of technology tools to facilitate higher order learning activities that may not have been otherwise possible.


Active - Students are actively engaged in using technology as a tool rather than passively receiving information from the technology.
  • Students went to a quarry mine where mitigation is being done. Students used GPS to map area, took pictures, tested temperature, Ph and soil. The teacher assisted and observed. Active/Transformation: The students were actively using technology and were able to go into the world an take real world measurements and use technology in usable way. Students were able to collect actual data.
Collaborative - Students use technology tools to collaborate with others rather than working individually at all times.
  • Students are studying endangered species and making a power point/ video on their animal. The teacher oversees and demonstrates. Collaborative/Transformation: The students are working in groups to create the PowerPoint video and research/tape/create together. They uses technological tools to do so. The teacher encourages the use of these tools, and the video and presentation would not be possible without the technology.
Constructive - Students use technology tools to connect new information to their prior knowledge rather than to passively receive information. 
  • Students research online and compile information. They then create a podcast to share with the class. The teacher is really not directly involved. Internet. Garage band. Constructive/Transformation: The students are using technology to learn more on a subject and then share it with podcasts. The teacher encouraged the use of new technology in the classroom.
Authentic - Students use technology tools to link learning activities to the world beyond the instructional setting rather than working on decontextualized assignments.
  • Students are using computer programs to create computer games. This applies art, music, computer programming and math. The teacher oversees and assists. Authentic/Transformation: The students are creating actual games and applying different subjects. The teacher is encouraging the combination of different subjects, and computer programs to create one unique product.. This would not have been possible without the computer.
Goal Directed - Students use technology tools to set goals, plan activities, monitor progress, and evaluate results rather than simply completing assignments without reflection.
  • Students went into a marsh to map land, find species, take pictures and gather other data. The students were provided technology but chose what technology to use. The teacher assisted and answered questions. Goal Directed/Transformation: The teacher encourages the use of different technology and facilitates the application to real world purposes. The students work together to decide the appropriate technology, what questions to ask and what is important.

Download the Matrix below:

Wastong Paraan ng Pagsusulat ng Talambuhay

Ano ang Talambuhay?

Ang talambuhay ay isang anyo ng kasaysayan tungkol sa buhay ng isang tao na sinulat ng ibang tao at tumatalakay sa mga pangyayaring nangyari mula nang isilang ang pinapaksa hanggang sa kasalukuyan o kamatayan.

Paano magsulat ng Talambuhay?

Mga Paraan ng Pagsulat ng Talambuhay
Payak na Paraan na Pagsulat
1. Unang linya: pangalan
2. Ikalawang linya: 2-4 na pang-uri na naglalarawan sa sarili o sa taong inilalahad
3. Ikatlong linya: mga magulang
4. Ikaapat na linya: mga kapatid
5. Ikalimang linya: mga hilig at gusto
6. Ikaanim na linya: mga kinatatakutan
7. Ikapitong linya: mga pangarap
8. Ikawalong linya: tirahan
9. Ikasiyam na linya: apelyido

Kontrobersyal na Paraan ng Pagsulat
Ito ay gaya ng isang ordinaryong pagpapakilala sa paraang pasalita.

1. Unang talata - dito sinusulat ang pangalan, araw ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan, tirahan,
magulang, kapatid
2. Ikalawang talata - dito nilalagay ang mga katangian, mga hilig, paborito, libangan, mga bagay na natuklasan
sa sarili
3. Ikatlong talata - napapaloob dito ang mga pananaw sa mga bagay-bagay, pangarap, ambisyon, inaasahan sa
darating na panahon, mga gawain upang makamit ang tagumpay

Ang Haiku at mga Halimbawa Nito


Ano ang Haiku?

Ang haiku ay tula ng mga hapones na binubuo ng labingpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtud. ang unang taludtud ay binubuo ng limang pantig, ang pangalawang taludtud naman ay binubuo ng pitong pantig at ang ikatlong taludtud ay binubuo di ng limang pantig gaya sa una. (5-7-5).Noon ay tinawag na hokku, ang nagbigay sa haiku ng pangalan nito ngayon ay isang manunulat na Hapones at siya si Masaoka Shiki sa katapusan ng 19th century.


Halimbawa ng Haiku:

Paniniwala
Mabuting gawa
Mayroong gantimpala
Galing sa AMA.
Ama sa langit
Ikaw ngayo’y magalit
Sa malulupit.

Sining
Mahirap pala
Ang lima-pito-lima
Pantig na tula.
Kakaiba nga,
Ganitong mga tula
Nakakasigla.

Pag-ibig
Diwa ko’t puso,
Ay para lang sa iyo,
Minamahal ko.
Iyong alindog
Sa aki’y tumatagos
O, aking irog.

Pag-aasawa
Madaling-araw
Nang umuwi ng bahay,
Lasing na naman.

Pag-aasawa
Di kaning iluluwa,
Kapag ayaw na.

Kaibigan
Ang kaibigan
Iyong malalapitan
Sa kagipitan.

Pakikisama
Sa iyong mga kapwa
Dulot ay saya.

Kamatayan
Saan tutungo
Itong buhay ng tao,
Sa ibang mundo?
Kabilang buhay,
Totoo ba o sablay
Kapag namatay.

Kuliglig
Gabing tahimik
Sumasapi sa bato
Huning kiliglig

Tagak
Talim ng kidlat
Sa dilim umiiyak
Ang puting tagak

Ang Tanaga at ang mga Halimbawa Nito

Ano ang Tanaga?

Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. Binubuo ito ng apat na taludtod, at bawat taludtod ay may pitong pantig. May tugmang isahan (aaaa) ang sinaunang anyo nito, ngunit pinasukan ng eksperimentasyon ng mga makata sa paglipas ng panahon. Kabilang sa mga pagbabago ang pagpapasok ng tugmaang inipitan (abba), salitan (abab), at sunuran (aabb).
Ilan sa mga katangian ng tanaga ang masining na pagkasangkapan sa talinghaga (metaphor), ang pagtitimpla ng mga imahen, ang pagpapaindayog ng tunog ng mga salita, at ang banayad na pagpapahiwatig mula sa inilalarawan, inihahambing, o inilalahad na bagay, pangyayari, o tagpo.

Mga Halimbawa ng Tanaga


Anay
Reynang nakahilata,
Alipi'y nangaypapa,
Lumawit man ang dila,
Sundalo'y tatalima.

Kamote
Itinanim na binhi,
Lumaki at ngumiti,
Nang hukayi't tagbisi,
Kasinlaki ng binti.

Isip-Kolonyal
Ang anyo mo ay sipi,
Nalimot na ang lahi.
Sa dayuha'y natali,
Sarili'y inaglahi.

Aso
Mataas sa pag-upo,
Mababa 'pag tumayo.
Kaibigan kong ginto,
Karamay at kalaro.

Makopa
Kampanilya ni Kaka,
Kulay rosas ang mukha.
Piping tunog ang ngawa,
Makatas 'pag nginuya.

Pusa
Matanda na ang nuno,
Hindi pa naliligo.
Sa tubig nagtatago,
Tinik ang sinusuyo.

Sandok
Tangkay itong kakaiba,
Ang dahon ay nag-iisa.
Walang ugat, walang sanga,
Kasa-kasama ni Ina.

Makahiya
Nahihiya ang dalaga,
Mukha'y ayaw ipakita.
Nagtatago sa balana,
Sa hipo ay umaalma.

Hapunan
Iniluto sa tahuri
Ang isdang napakalaki
Inihain isang gabi
Kasabay ng kanin pati.

Bulaklak sa Kasal
Makulay ang ramilyete,
Tangan-tangan ng babae.
Sa kasal ay importante,
Daig pa ang diyamante.

Kasuy
Amoy nito ay mabango,
Kung mamasda'y malilito,
Ang nakalabas ay buto,
Na para bang nagtatampo

Kawayan
Naaayon sa kuwento,
Nilalang ay galing dito,
Walang pinto, puro kwarto,
Doble sarado-kandado.

Kaibigan
Ang katoto kapag tunay
hindi ngiti ang pang-alay
kundi isang katapatan
ng mataus na pagdamay.

Kabibi
Kabibi, ano ka ba?
May perlas, maganda ka;
Kung idiit sa taynga,
Nagbubunitunghininga!

Palay
Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko;
Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto

Tag-init
Alipatong lumapag
Sa lupa — nagkabitak,
Sa kahoy nalugayak,
Sa puso — naglagablab!

Pag-ibig
Wala iyan sa pabalat
at sa puso nakatatak,
nadarama’t nalalasap
ang pag-ibig na matapat.

Sanggol
Pag ang sanggol ay ngumiti
nawawala ang pighati,
pag kalong mo’y sumisidhi
ang pangarap na punyagi.

Pananampalataya
Ang taong bukas-pala
Ay madaling umunlad
Kamay ay nakalahad
Sa biyaya N'yang gawad.

Kalikasan
Sa tikatik na ambon
Umaawit ang dahon,
Sumisilong ang ibon,
Sumasayaw ang alon.

Bayan
'Pag palasyo'y pinasok
Ng buwayang niluklok
Sistema'y mabubulok
Baya'y maghihimutok.

Nagbibigay aral
Mag-ipon sa'yong gusi
Nang ika'y may mahasi.
Pagdating ng tagbisi*
ay 'di ka magsisisi.

Kurakot
Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Naitago na kasi.

Mataas Pa
Itong dumapong langaw
Sa tuktok ng kalabaw
Ay tiyak masisilaw,
Sa sikat na tinanaw.

Sipag
Magsikhay ng mabuti
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Magbubuhay na hari.

Slow
Hindi ko rin malaman,
Hindi maunawaan
Mapurol kong isipan,
Isalang sa hasaan.

Tunay Na Yaman
Ako ay Filipino
Kulay tanso ng mundo
Ngunit tunay kong ginto
Nasa aking sentido.

Pipi
Puso ko’y sumisigaw
May bulong na mababaw,
Hindi naman lumitaw
Tinig ko’t alingawngaw!

Filipino
Tagalog ang wika ko
Hindi sikat sa mundo
Ngunit lantay at wasto
At dakilang totoo.

Ikaw Lang
Dasal ko sa Bathala
Sana’y makapiling ka
Sa luha ko at dusa
Ikaw ang aking sigla.

Paslit
Maraming mga bagay,
Na sadyang lumalatay,
Isip ko’y walang malay,
Sa hiwaga ng buhay?

Tanaga
Ang tanaga na tula
Ay sining at kultura
Tatak ng ating bansa
Hanggang wakas ng lupa.

Alon
Mistula walang alat
kung humalik ang dagat
sa pampang. Kung yumakap
ay mahigpit, banayad.

Ulan
Nabilanggo sa ulap,
ang tubig ay lumayas
mulang kulungang bulak
ng langit. Nagsitakas!

Dagat
Sa bughaw nitong pusod,
naroon ang nalunod
na alaala. Sugod
sa lalim ng paglimot!

Buwan
Mata ng gabi, bakit
mo pa ba sinisilip
kaming nananaginip?
Di ka ba nangangawit?

Sulyap
Patunay ng pagtingin
ang iyong tingin: Bangin
ang matang mapang-angkin.
Mahulog nang palihim.

Bulong
Malumanay ang tawid
ng salitang sinambit
sa tenga. Iyong bibig:
bukal ng aking kilig.

Ambon
Dampi ng langit, haplos
ng tubig sa alabok
ng alaalang tuyot --
pinapawi ang kirot.

Alaala
Umaalon sa isip,
kahapong iniihip
ng simoy ng pagkapit.
Sakit, nanunumbalik.

Gayuma
Tahak ng tingin, tulak
ng sulyap, yakap, lapat
ng titig sa balikat,
hatak pa, kindat, hatak.

Dalisay
Pinong puso, sa isip
nagkikimkim: Ang nais
ay dungis. Hindi linis,
kundi putik sa kinis!

Wagas
Walang kaso ang piyok
sa harana, ang pusok
sa kanta. Mas marupok
ang puro: Nabubulok.

Unang Halik
Lumanay ng talulot:
Bukadkad ang pag-irog
na marahang humagod
sa labing di malimot.

Pusok
Kumpas ng kilig, kabig
ng bibig ang manalig,
ligalig. Sa gilagid,
ang dila, kumakahig.

Ang Talumpati

Ano ang Talumpati?

Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ito ay isang masining na pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang mahalagaat napapanahong paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig.

Uri ng Talumpati Ayon sa Balangkas
1. May Paghahanda - Binibigyan dito ng oras ang isang taong magsasagawa ng talumpati upang mapaghandaan ito ng maayos.
2. Walang Paghahanda - Ang talumpating ito ay tinatawag ring impromptu. Ang paksa ay binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.

Mga Bahagi ng Talumpati
1. Panimula - Dito inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istatehiya upang kunin ang atensyon ng madla.
2. Katawan - Dito pinagsunud-sunod sa bahaging ito ang mga makabuluhang puntos o patotoo.
3. Paninindigan- Pinatotohanan ng Mananalumpati ang kanyang sinabi sa bahagi ng katawan.
4. Konklusyon - Bahaging nagbubuod o nalalagon sa talumpati.

Paraan ng pagtatalumpati
1. Binasa - Inihanda at iniayos ang pagsulat upang basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig.
2. Sinaulo - Inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
3. Binalangkas - Ang mananalumpati ay naghanda ng balangkas ng kanyang sasabihin. Nakahanda ang panimula at wakas lamang.

Hakbangin sa paggawa ng talumpati
1. Pagpili ng paksa - kailangang suriin ang sarili kung ang paksang napili ay saklaw ang kaalaman, karanasan at interes.
2. Pagtitipon ng mga materyales - kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay paghahanap ng materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na gagamitin sa isusulat na talumpati. Maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating kaalaman at mga karansan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng paksa, mga awtoridad sa paksang napili.
3. Pagbabalangkas ng mga ideya - ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi panimula, katawan at pangwakas.
4. Paglinang ng mga kaisipan - dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon na sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na inilahad sa balangakas.

Uri ng Talumpati
Mayroong pitong uri ng talumpati. Ito ay naaayon sa kung ano ang nilalaman at nagiging epekto nito sa madla. Ang talumpati ay maaaring:
1. Nagbibigay aliw
2. Nagdaragdag kaalaman
3. Nagbibigay sigla
4. Nanghihikayat
5. Nagbibigay galang
6. Nagbibigay papuri
7. Nagbibigay impormasyon

Katangian ng Magaling na Mananalumpati
Ang isang mananalumpati ay nararapat na nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:
1. Kaalaman
2. Kasanayan
3. Tiwala sa sarili

Mga Dapat Tandaan sa Pagbigkas ng Talumpati
1. Tinig - Dapat may maayos at angkop na tinig ang isang mananalumpati upang maipahayag nito ng maayos ang kaniyan paksa.
2. Tindig - Isa rin sa dapat isa alang-alang ng isang mananalumpati ang kaniyang pustura sa pagtindig sa unahan.
3. Pagbigkas - Isang malinaw na pagbigkas ng bawat salita ang nararapat ring gawin ng isang mananalumpati.
4. Pagtutuuan ng Pansin - Nararapat na makuha ng isang mananalumpati ang atensyon ng kaniyang mga tagapakinig.
5. Pagkumpas - Isa rin ito sa dapat na ginagawa ng mananalumpati upang mas lalong mabigyang diin nito ang mensaheng gustong iparating sa tagapakinig.

PRC LET Reviewer in Prof Ed and Gen Ed (Printable Version)

Here are the Printable Versions of the Official PRC LET Reviewers. Feel Free to download the following files below.

GENERAL EDUCATION


PROFESSIONAL EDUCATION

How to download?
Please read this Simple Downloading Instruction

Good Luck and God Bless
Note: All files are safe and free from any malware or virus.

Please read the disclaimer below.
Thanks and Credits to PRC

Ang Tula at ang mga Elemento Nito

Ano ang tula?

Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod. Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud. Ito rin ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong. 
Ang tula ay nagpapahayag ng damdamin, gamit ng marikit na salita.Ang tula ay isang uri ng panitikan na nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog, paglalarawan at mga paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita. Samantalang ang ordinaryong pagsasalita at panulat ay inoorganisa sa mga pangungusap at mga talata, ang tula ay inoorganisa sa mga yunit na tinatawag na taludtod at saknong.


Mga Elemento ng Tula

1. Sukat
2. Saknong
3. Tugma
4. Kariktan
5. Talinhaga
6. Anyo
7. Tono/Indayog
8. Persona

Sukat
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
isda – is da – ito ay may dalawang pantig
is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig

Mga uri ng sukat
1. Wawaluhin
Halimbawa:
Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis
2. Lalabindalawahin
Halimbawa:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
3. Lalabing-animin
Halimbawa:
Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid
4. Lalabingwaluhin
Halimbawa:
Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay

Saknong
Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).
2 linya - couplet
3 linya - tercet
4 linya - quatrain
5 linya – quintet
6 linya - sestet
7 linya - septet
8 linya - octave
Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula.

Tugma
Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga- ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

Mga Uri ng Tugma
1. Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung
saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:
Mahirap sumaya
Ang taong may sala
Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali

Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng isang saknong o dalawang magkasunod o salitan.
Halimbawa:
a a a
a a i
a i a
a i i
2. Kaanyuan (consonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig.
a. unang lipon, mga salitang nagtatapos sa – b, k, d, g, p, s, t
Halimbawa:
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
b. ikalawang lipon, mga nagtatapos sa – l, m, n, ng, r, w, y
Halimbawa:
Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw

Kariktan
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.

Talinghaga
Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.

Tayutay 
Ito ay ang paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula

Anyo
Ito ay ang porma ng tula.

Tono/Indayog
Ito ay ang diwa ng tula.

Persona
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan.

Ang Kasaysayan ng Tulang Pilipino

Saan nagmula ang Tulang Pilipino? Paano ito umusbong at umunlad sa bansa?
Ang kasaysayan ng tulang Pilipino ay nababahagi sa limang importanteng mga panahon. Una, ang Matandang Panahon. Ang panahong ito ay nagsimula noong unang pagdating ng mga Negrito o Aeta hanggang sa taong 1521. Pangalawa, ang Panahon ng mga Kastila na nagmula noong taong 1521 hanggang sa taong 1876. Pangatlo, ang Panahon ng Pambansang Pagkamulat. Ito ay panahon ng himagsikan. Pang-apat, ang Panahon ng mga Amerikano na nag-umpisa noong taong 1898 hanggang sa pagkatapos ng panahon ng digmaan. At ang huli'y ang Panahong Patungo sa Pambansang Krisis.

Ang Matandang Panahon

Tulad ng maraming dayuhang kabihasnan ang panitikan ng Pilipinas ay nagmula sa mga magkakaibang lipon ng tao na may panahong pagkaka-agwat.na dumating. Ang mga unang tao na dumating sa Pilipinas ay ang mga Negrito o Aeta. Sumunod naman ang grupong Indones at mga Malay. Dahil dito ang sinaunang kabihasnan ay may sarili nang sistema ng pagsulat at pasalita. Ang unang ebidensiya na mayroon nang sariling panitikang pagsulat ang mga pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang taga-kanluran ay ang Baybayin na binubuo ng tatlong patinig at 14 na katinig. Ang mga simbolong ito ay nakasulat sa mga dahon at balat ng mga punong-kahoy na ang gamit naman sa pag-ukit ay ang mga matutulis na bato at kahoy din. Mayroon na ring panitikan na pasalita ang mga sinaunang tao. Ang panitikang pasalita ay may anyong panulaan, tuluyan, at dula.
Ang panulaan ay binubuo ng mga bugtong, salawikain at kasabihan, tanaga, tulang pambata, bulong, awiting bayan, at epiko. Ang mga ito'y nakasulat din ngunit ng dumating ang mga Kastila marami ang sinunog na mga literatura at saka dahil marami ang nakasulat sa mga kahoy at dahon ito ay natunaw pagkalipas ng maraming taon. Bagamat magkakaiba ang lengguaheng gamit ng mga sinaunang tao ang kanilang panitikan ay may iisang mensahe at layunin.

Ang Bugtong - Ang unang layunin ng bugtong ay magbigay kasiyahan sa mga tagapakinig at ng mga manlalaro. Kahit simple ang estraktura dito nasusukat ang talino at kaalaman tungkol sa bayan.

Ang Salawikain at Kasabihan - Ang salawikain at ang kasabihan ay nagpapakita ng asal, moralidad, at pag-uunawa sa ating mga ninuno. Ang salawikain ay nagbibigay aral at ang kasabihan ay nagbibigay unawa sa mga pang-araw araw na gawain.

Ang Tanaga - Ang tanaga ay naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. Ito ay may estrukturang apat na taludtod at pitong pantig sa iisang saknong.

Ang Tulang Pambata - Ito ay nagsisilbing pag-unawa noong kamusmusan ng ating mga ninuno. Ito rin ay nagpapahayag at nagpapa-alala sa mga maliligayang karanasan noong sila'y bata pa.
Ang Bulong. Ang ating mga ninuno ay naniniwala rin sa mga di nakikitang espirito gaya ng mga lamang lupang espirito tulad ng mga duwende. Ang ating mga ninuno ay humihingi ng ng pasintabi at paumanhin sa mga ito upang hindi sila mapahamak sa mga masasamang pangyayari.
Halimbawa:
Tabi, tabi po, Ingkong
Makikiraan po lamang.
Bari-bari Apo
Umisbo lang ti tao. (Ilokano)

Ang Awiting-Bayan - Marahil sa lahat ng mga tula ang awiting bayan ay may pinakamalawak na paksa at uri. Ang mga paksa nito'y nagbibigay hayag sa damdamin, kaugalian, karanasan, relihiyon, at kabuhayan. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng ibaìt ibang uri nito, isa ang talindaw. Ang talindaw ay awit sa pamamangka. Ikalawa, ang Kundiman ito ay awit sa pag-ibig. Ikatlo, ang Kumintang ito ay awit sa pakikidigma. Ikaapat, ang Uyayi o Hele ito ay awit na pampatulog ng sanggol. Nabibilang rin dito ang Tigpasin, awit sa paggaod; ang Ihiman, awit sa pangkasal; ang Indulain, awit ng paglalakad sa lansangan at marami pang iba.
Halimbawa:
Talindaw
Sagwan, tayoy sumagwan
Ang buong kaya'y ibigay.
Malakas ang hangin
Baka tayo'y tanghaliin,
Pagsagwa'y pagbutihin.
Oyayi o Hele
Matulog ka na, bunso,
Ang ina mo ay malayo
At hindi ka masundo,
May putik, may balaho.

Ang Epiko - Ang epiko ay mahabang tula na inaawit o binibigkas. Ito ay tungkol sa mahiwagang pangyayari at kabayanihan ng isang mamamayan.

Ang Panahon ng mga Kastila

Ang Pilipino ay may sarili nang tula na mayaman sa uri, paksa, at estraktura bago pa dumating ang mga dayuhang Espanyol. Subalit nang dumating ang mga Espanyol ang tulang Pilipino ay nagkaroon ng maraming pagbabago at karagdagan lalo na sa uri at paksa. Noong nag-settle ang mga dayuhan sa ating bansa karamihan nila'y mga maimpluensiyang prayle. Ang mga prayleng ito ay hindi lang nagpe-preach kundi sila rin ay mga iskolar ng lengguaheng Espanyol kaya madali nilang nai-spread ang Kristianismo at ang kulturang espanyol. Ito ay posible dahil ang mga dayuhan ay nagpakitang tao sa pamamagitan ng pag sang ayon sa pagkatuto at pag-unawa sa ating mga katutubong kultura, baybayin, sining, pulitika,at panitikan. Nang mapailalim tayo sa kanilang mga kamay ang ating mga puso't isipan ay sumunod din. Dahil dito ang mga katutubong Pilipino o ang mga Indio na madaling silang tawagin ay madali na nilang nabago ang anyo ng mga katutubong tula.

Ang mga pagbabago ay pagdaragdag sa mga paksang panrelihiyon, pangmoralidad, etika, panlibangan, pangwika, at pangromansa. Mga katangiang abundant na sa Europa. Ang mga uri namang dinagdag sa katutubong panulaan ay ang mgaTugma, Pasyon, Dalit, at ang Awit at Korido.

Ang Tugma - Ang tugma ayon sa depinisyon ay ang huling saknong ng tulang ito ay magkakatugma. Actually, ang uring ito ay ginagamit na nang mga Indio noon ngunit ang mga Espanyol ay nagdagdag ng isa o marami pang saknong. At saka, ang dapat na nilalaman o paksa ay ayon sa bagong pananampalataya sa Panginoong HesuCristo.
Halimbawa:
Quintilla
Umulan man sa bundoc
houag sa dacong laot,
aba si casampaloc
nanao nang dico loob
ualang bauonang comot.

Ang Pasyon -Ang pasyon ay marahil ang pinaka-famous na anyong tula noong panahon ng ,mga Kastila dahil dito sinasalaysay ang buod ng buhay ng Panginoong HesuCristo. Ito ay ikinakanta at nagsasalaysay ng kaniyang buhay mula noong siyaìa ipinanganak, dakpin, ipinako sa krus hanggang sa kaniyang muling pagkabuhay. Isang halimbawa ng pasyon sa isang saknong o taludtod:
O Diyos sa kalangitan
Hari ng Sangkalupaan
Mabait, lubhang maalam
At puno ng karunungan.

Ang Dalit - Ang dalit gaya ng pasyon ay inaawit din nguanit ito'y nagsasalaysay sa buhay ni Birheng Maria. Dahil ang Birheng Maria ay simbolo ng kalinisan ng puri siya ay hinahandugan tuwing buwan ng Mayo. Ito ngayon ay tinatawag na flores de Mayo.

Ang Awit at Korido - Ang mga tulang ito ay may paksang tungkol sa pangromansa. Ang Korido ay salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punung-puno ng kababalaghan. Ang awit nama'y salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan at walang sangkap na kababalaghan.
Sa kapanahunang ito siguro walang hihigit pa sa gawain ni Francisco "Balagtas" Baltazar. Siya marahil ang mga unang makata na nag-expose laban sa mga koloniyalistang kultura. Ang kaniyang subversive work ay sa anyong Florante at Laura. Ang Florante at Laura ay isang mahabang pasalaysay na tula na naglalaman ng mga mensahe laban sa mga Kastila. Nakatakas ito sa mgas censura dahil nagbalat-kayo na ang mga unang panauhin ay ang mga Kastila. Ngunit sa mga totoong mambabasa ito'y may maraming tema una laban sa Kristiyanismo at pangalawa ang laban sa im espanya.periyalismong

Ang Panahon ng Pambansang Pagkamulat

Maiksi man ang panahong ito ang mga tulang nasasailalim ay marahil pinaka-importanteng mga literary works. Dahil ang mga paksang ipinapahayag sa mga mambabasa ay mapa-free from koloniyalismong mentalidad, at I-expose ang mga problema buhat ng pagkasakop ng mga Indio sa mga Espanyol. Ang mg katangian ng mga paksa sa panahong ito ay naglalaman ng paksang makabayan, paglalarawan sa mga kapaligiran gawa ng mga dayuhang sumakop.

Ang panahong ito ay nahahati sa dalawang maimpluensiyang grupo, pangpropaganda at panghimagsikan. Ang unang layunin ng propaganda ay naglalayong humihingi ng reporma na manggagaling sa mga Espanyol. Ang pinakakilalang propagandista ay ang ating bayabing si Dr. Jose Rizal. Si Dr. Rizal ay naghangad na mapasigla ang mga tao upang labanan ang mg sakitt ng lipunan at ang mga mabaluktoo na paghahari ng mga Kastila. Sinulat niya ang popular na tulang pinamagatang Mi Ultimo Adios. Dalawa pang pangunahing propagandista ay sina Graciano Lopez-Jaena at si Antonio Luna.

Nang hindi makamtan ng grupong Pangreporma ang kanilang layunin at demands sa Espanya at ng mga Kastilang namumuno sa Pilipinas nabuhay o kaya'y nabuo ang bagong kilusang Panghimagsikan. Ang kilusang Panghimagsikan ay naglalayong gumamit ng dahas upang makamtan na ng ating Inang Bayan ang hinihinging kalayaan sa mga Kastila at iba pang mga oppressors ng ating bayan. Ang pangunahing pinuno ng kilusang himagsikan ay si Andres Bonifacio.

Ang Panahon ng mga Amerikano

Ang panulaang Pilipino noong panahon ng mga amerikano ay ang makikitang paggamit ng tatlong wika. Ang wikang kastila, tagalog, at ingles. Ang mga Amerikano ay lumayon na bigyan ng kalayaan ang mga makata at manunulat tungkol sa mga paksang makabansa, demokrasya, relihiyon, sosyalidad, at pampulitika. Ang kinikilalang makata sa panahong ito ay si Jose Corazon de Jesus. Siya ay kilala rin sa pangalang Batute. Si Batute ay isa sa mga unang makata na gumamit at lumayo sa mga tradisyong anyo ng pagsusulat.Si Batute ay masasabing kampeon ng mga taong mabababa ang kalagayan sa pamayanan. Ang kaniyang mga gawain ay makabayan matimbang sa kaniyang isip and kapakanakan ng mga maliliit at ang kalayaan sa kamay ng mga dayuhan (Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino, p. 36). Ang mga tulang siya'y kinikilala ay ang Bayan Ko at Ang Pamana.

Ang Panahong Patungo sa Pambansang Krisis

Krisis sa pulitika ang pangunahing paksa sa panahong ito na buhat ng ating pagkakaloob sa mga Amerikano at ang pagpapatuloy na pag-angkin sa koloniyalismong mentalidad na minana natin sa mga Kastila. Ngunit ang mga pangunahing taga-panglaban ay ang mga kilusan ng mga kabataang mag-aaral. Sila ay nagbibigay kritisismo sa taong may pera at kapangyarihan tungkol sa kanilang pamamalakad ng gobyerno. Ang kanilang hinihingi ay reporma na mapabago ang lipunan dulot ng kapitalismo, imperyalismo, at piyudalismong paraan ng pamumuno. Si Amado Hernandez ang kinikilalang makata sa panahong ito at ang kaniyang tulang "Kung Tuyo Na Ang Luha Mo Aking Bayan"

Mga Iba't Ibang Anyo ng Tula

Uri ng Taludtod

1. Tradisyunal - Ito ay isang anyo ng tula na may sukat, tugma at mga salitang may malalim
na kahulugan .
2. Berso Blangko - isang tulang may sakto bagamat walang tugma.
3. Malayang Taludturan - tulang walang sukat at walang tugma. Ang anyo ng tulang ito ay siyang nanaluktok na anyong tula sa panahon ng paghingi ng pagbabago ng mga kabataan.

Uri ng Tulang Tagalog

1. Tulang Liriko - Itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin at pagninilay at hindi gaano ang mga panlabas na pangyayari at tagpo sa buhay o ang kalagayang kinaroroonan.

Ang mga uri nito ay ang mga sumusunod:
a. Awit –Ang karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.
b. Soneto – Ito ay tulangmay 14 na taludtod, hinggil sa damdamin at kaisipan, may malimaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
c. Oda – Ito ay nagpapahayag ng isang papuri ng isang panaghoy o ng iba pang masiglang damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o taludtod sa isang saknong.
d. Elehiya – Nagpapahayag ito ng damdamin o guni-guni tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita sa isang yumao. Ang halimbawa ay tula ni
Jose Corazon De Jesus na “Isang Punong Kahoy”.
e. Dalit – Ito ay mga awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.

2. Tulang Pasalaysay - Naglalarawan ito ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay na natatagpuan sa mga taludtod na nagsasaaysay ng isang kwento.

a. Epiko o Tulang Bayani – Ito ay nagsasalaysay ng kabayanihang halos hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan. Halimbawa nito ang epiko n mga Ilokano na “Biag ni Lam-ang.”
b. Korido – Ito ang tulang nagtataglay ng walong pantig sa bawat taludtod. Karaniwang mahaba at may mahusay na banghay ng mga pangyayaring isinasalaysay. May himig mapanglaw at malimit na may paksang kababalaghan at maalamat at karamihan ay hiram sa paksang Europeo. Ang halimbawa nito ay “Ibong Adarna.”
c. Awit – Ito ay nagtataglay ng labindalawang pantig sa bawat taludtod. Higit na masigla ito kaysa korido. May malambing at marikit na pangungusap at nangangailangan ng malalim na kaisipan. Ang halimbawa nito ay ang tulang “Florante at Laura.”

3. Tulang Pandulaan - Sadyang ginawa ito upang itanghal. Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Patula ang usapan dito. Saklaw ng uring ito ang nga komedya, trahedya, melodramang tula, dulang parsa.

4. Tulang Patnigan - Tulang sagutan na itinatanghalng mga nagtutunggaliang makata ngunit hindi sa paraang padula, kundi sa tagisan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino sa paraang patula.

a. Balagtasan – Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
b. Karagatan – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na “libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.
c. Duplo – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.

Ang Tugma at ang Iba't Ibang Antas Nito

Ano ang Tugma?

Ang tugma ay ang pagkakatulad ng tunog sa dulo ng mga salita na nasa hulihan ng dalawa o higit pang magkasunod na taludtod. Makikilala ang tunog sa pamamagitan ng pagbigkas ng dulong patinig o ng dulong katinig ng mga salita.

Mga Antas Ng Tugma

May apat na antas ng tugma ang tradisyonal na panulaang Pilipino.

1. Tugmang Karaniwan ang Antas
Ang pinakamatanda at pinakapalasak na antas ng tugma. Ginamit ito ng mga sinaunang Pilipino sa kanilang mga tula (tanaga, dalit, epiko), at maging sa kanilang mga salawikain, sawikain, kawikaan, palaisipan, bugtong, at awit.
Namayani rin ito noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol (1565-1898) – sa mga aklat ng Pasyon at sa mga tula nina Jose dela Cruz, Francisco Balagtas, Jose Rizal, at iba pa. Magpahanggang ngayon, ito pa rin ang pinakakaraniwang antas ng tugma sa tradisyonal na panulaang Pilipino.

May dalawang uri ng antas na ito: karaniwang tugmang patinig at karaniwang tugmang katinig.

Sa karaniwang tugmang patinig, ang mga salitang pantugma ay dapat na magkatulad ang mga huling patinig at ang tunog sa dulo (may impit sa may impit o walang impit sa walang impit).

Sa loob at labas ng bayan kong sawì,
Kaliluha’y siyang nangyayaring harì,
Kagalinga’t bait ay nilulugamî,
Ininis sa hukay ng dusa’t pighatî.
(Francisco Balagtas, Florante at Laura, 1838)

Ang mga salitang pantugmang sawì, harì, nilulugamî, at pighatî ay pare-parehong nagtatapos sa patinig na i, at pare-parehong may impit ang tunog sa dulo.

Ang salita nati'y huad din sa ibá,
Na may alfabeto at sariling létra,
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwá
Ang lunday sa lawa noong dakong úna.
(Jose Rizal, "Sa Aking Mga Kabata," 1869)

Ang mga salitang pantugmang ibá, letra, sigwá, at úna ay pare-parehong nagtatapos sa patinig na a at pare-pareho ring walang impit ang tunog sa dulo. Sa karaniwang tugmang katinig, inuri ni Jose Rizal noong 1887 sa dalawang pangkat ng mga tunog ang mga katinig: malakas at mahina. Malakas ang tunog kung ang salita ay nagtatapos sa b, k, d, g, p, s, t. Mahina ang tunog kung ang salita ay nagtatapos sa katinig na l, m, n, ng, r, w, y. Noong 1987 nga, nairagdag bilang mga katinig na malakas ang tunog ang c, f, q, v, x, z. Sa antas na ito, ang mga salitang pantugma ay dapat na magkakatulad ang mga huling patinig (a, e, e-i, i, i-e, o, o-u, u, u-o) at ang tunog (malakas sa malakas, mahina sa mahina).

Ang laki sa layaw karaniwa’y hubád,
Sa bait sa muni’t sa halot ay salát
Masaklap na bunga ng maling paglingáp,
Habag ng magulang sa irog na anák.
(Francisco Balagtas, Florante at Laura, 1838)

Ang mga salitang pantugmang hubád, salát, paglingáp, at anák ay pare-parehong nagtatapos sa huling patinig na a at sa mga patinig na d, t, p, at k, ayon sa pagkakasunod, at sa gayo’y malakas ang tunog sa dulo.

Ang wikang tagalong tulad din sa látin,
Sa ingles, kastila, at salitang ánghel,
Sa pagka ang Poong maalam tumíngin
Ang siyang nagbigay, naggawad sa átin.
(Jose Rizal, "Sa Aking Mga Kabata," 1869)

Ang mga salitang pantugmang látin, ánghel, tumíngin, at átin ay nagtatapos sa mga patinig na i-e, at sa mga katinig na n, l, n, at n, ayon sa pagkakasunod, at sa gayo’y mahina ang tunog sa dulo.

2. Tugmang Tudlikan ang Antas
Ito ay antas na mas mataas sa tugmang karaniwan. Nagagamit na ito noon pa mang unang panahon, subalit higit na nabigyan ng pansin nang pumasok ang mga unang dekada ng Siglo 20 (1900-1930). Sa antas na ito, ang mga salitang pantugma ay hindi lamang dapat na magkakatulad ang mga dulong patinig, at ang mga tunog sa dulo, kundi maging ang mga bigkas (maragsa sa maragsa, malumi sa malumi, mabilis sa mabilis, o malumay sa malumay).

Nais kong sa buhay ng ating pag-ása,
Walang makatagpong anino ng dúsa.
(Lope K. Santos, "Pagtatapat," 1926)

Ang mga salitang pantugmang pag-ása at dúsa ay parehong nagtatapos sa patinig na a, parehong walang impit ang mga tunog sa dulo, at parehong malumay ang bigkas.

3. Tugmang Pantigan ang Antas
Ang antas na ito ay panukala (at sa gayo'y imbensiyon) ng pamosong Virgilio S. Almario. Isinulong niya ito noong Dekada 1970 dahil nahihirapan ang maraming tradisyonal na makatang Pilipino na magamit sa kanilang mga tula ang pinakamataas na antas ng tugma (tugmang dalisay ang antas). Sa antas na ito, ang mga salitang pantugma ay hindi lamang dapat na magkakatulad ang mga tunog sa dulo at bigkas, kundi maging ang mga dulong patinig-katinig o dulong katinig-patinig.

Sa araw ng aking mahahabang antók,
At di-mapigilang pagputi ng buhók,
Sisilip-silipin sa bintanang gapók,
Ang musmos na araw at sumpang marupók.
(Rio Alma, "Ang Bungi ni Ani," 1984)

Ang mga salitang pantugma na antók, buhók, gapók, at marupók ay pare-parehong malakas ang tunog sa dulo, pare-parehong mabilis ang bigkas, at pare-parehong nagtatapos sa patinig-katinig na ok.

4. Tugmang Dalisay ang Antas
Ang pinakamataas na antas ng tugma, at ang pinakamahirap gamitin. Isinulong ito ng pamosong makata-manunulat-at dalubwikang si Iñigo Ed. Regalado noong Dekada 1950, at siya rin ang naging pinakamahusay sa paggamit ng antas na ito. Sa antas na ito, ang mga salitang pantugma ay hindi lamang dapat na magkakatulad ang mga tunog sa dulo, bigkas, at dulong patinig-katinig o dulong katinig-patinig, kundi maging ang patinig sa penultima ng mga ito.

Sintang kaibigan: Mangyaring lasáhin
ang katas ng Tulâ;
Suriin mo lamang matapos basáhin
ang dahil at mulâ.
(Iñigo Ed. Regalado, "Paunang Salita," Damdamin, 1965)

Ang mga salitang pantugmang lasáhin at basáhin ay parehong mahina ang tunog sa dulo, parehong malumay ang bigkas, parehong nagtatapos sa patinig-katinig na in, at parehong a ang patinig sa penultima. Ang mga salitang pantugmang Tulâ at mulâ ay parehong may impit ang tunog sa dulo, parehong maragsa ang bigkas, parehong nagtatapos sa katinig-patinig na la, at parehong u ang patinig sa penultima.

Mga Sanggunian:
Alexander Dagrit . September 24, 2009. Ang Tugma, Sukat, At Alindog Sa Tradisyonal Na Panulaang Pilipino. Retrieved from http://www.filipinowriter.com/ang-tugma-at-sukat-sa-tradisyonal-na-panulaang-pilipino
Almario, Virgilio S. Taludtod at Talinghaga: Mga Sangkap ng Katutubong Pagtula (1985).
Rizal, Jose. "Ang Sining ng Panulaang Tagalog" sa Mga Iba't Ibang Sinulat Ni Rizal (1964).
Santos, Lope K., Balarila ng Wikang Pambansa (1939).
Torres, Cesario Y. "Ang Tula" sa Makabagong Pananaw Sa Wika at Panitik (1976).

Iba't Ibang Uri ng Bigkas ng mga Salita

Iba't iba ang bigkas ng mga salitang Filipino at ito ay nahahati sa anim. Narito ang mga sumusunod:

1. Maragsâ – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig, at binibigkas nang mabilis, tuloy-tuloy, at may impit na mabilis sa dulo. Ang diin ay nasa huling patinig, at ang sagisag o tuldik ng diin ay pakupya (^).
/â/: akdâ, biglâ, digmâ, gawâ, hiyâ, likhâ, kutyâ, ngatâ, pisâ, tugmâ
/ê/: tulê
/î/: balî, daglî, gawî, hapdî, lunggatî, kimî, malî, ngitî, pigî, suhî, tupî
/ô/: bungô, gintô, hapô, kulô, pulô, samyô, tagô, upô, wastô, yukô

2. Malumì – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig, at binibigkas nang dahan-dahan, may saglit na paghaba o pagtaas ng patinig sa ikalawa sa huling pantig (penultima) nito, at may impit na banayad sa dulo. Ang diin ay nasa huling patinig, at ang sagisag ng diin ay paiwa (`).
/à/: binatà, diwà, galà, hinà, kalingà, lupà, malayà, pinsalà
/è/: nenè, tiyanggè
/ì/: amukì, busisì, dalirì, gusì, harì, kawalì, lipì, munì, ngingì, susì, tiyanì
/ò/: alò, birò, dapò, guhò, hangò, kurò, ligò, pugò, siphayò, tibò

3. Mabilís – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig o katinig, at binibigkas nang tuloy-tuloy, walang saglit na paghaba o pagtaas ng patinig sa penultima nito, at walang impit sa dulo. Ang diin ay nasa huling patinig, at ang sagisag ng diin ay pahilis (′).
/á/: amá, buká, dalá, gandá, hiningá, iná, limá, masayá, nilá, puntá
/é/: ataké, baldé, ditsé, gulpé, helé, kapé, plaké, sisté, tangké
/í/: aní, bilí, dumí, gabí, kamí, liksí, marumí, nirí, putaktí, tutubí, wilí
/ó/: anó, butó, damó, guló, hiló, kayó, litó, noó, pitsó, sikó, tuliró
/b/: dibdíb, habháb, kintáb, lublób, marubdób, subsób, tigíb
/d/: agád, bilád, gadgád, kidkíd, lingíd, manhíd, sunód, tagudtód
/g/: alóg, bibíg, dalág, kulóg, labág, pintíg, sahíg, tagtág, untág
/k/: anák, biták, dikdík, hibík, katók, lubák, purók, sinók, tiyák
/p/: atíp, dahóp, ganáp, hagíp, kisáp, langkáp, mailáp, saráp, takíp
/s/: aklás, bigás, dahás, gasgás, malakás, puspós, sintás, tamís
/t/: aklát, bigát, dikít, gupít, kidlát, lahát, malagkít, payát, sibát, tuyót
/b/: álab, dagítab, hílab, kútab, lúsob, pangánib, súkob, taláhib, úkab
/d/: ánod, búkid, hinúhod, káyod, malápad, páhid, súyod, tagúyod
/g/: bísig, dúmog, káhig, masípag, pag-íbig, sigásig, táyog, ulínig
/k/: álak, bátak, dágok, gáwak, kákak, lúsak, pílak, súlok, tútok
/p/: ágap, di-maísip, hagílap, kálap, língap, panagínip, sinop, úsap
/s/: ágas, búhos, dílis, gápas, hímas, kílos, lítis, páwis, siláhis, tíkas
/t/: áwat, bíngit, dúlot, gámit, hílot, kuyápit, lígat, maínit, súlat, talúlot

4. Malúmay – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig o katinig, at binibigkas nang dahan-dahan, may saglit na paghaba o pagtaas ng patinig sa penultima nito, at walang impit sa dulo. Ang diin ay nasa patinig ng penultima, at ang sagisag ng diin ay pahilis (′) din.
/a/: búnga, gáya, hiléra, kúya, lása, múra, nípa, páta, ráya, tinóla
/e/: áte, babáe, dóte, gábe, héle, kaliwéte, líbre, mónghe, putáhe
/i/: anáki, dáti, halígi, ígi, laláki, mabúti, ngísi, rámi, síbi
/o/: anímo, búko, dáyo, góto, hílo, kúto, líbo, magkáno, púto, táo
/l/: almusál, bukál, gatól, halál, kurál, lindól, mahál, pasyál, sugál
/m/: alám, dilím, gutóm, hirám, kimkím, lagím, malalím, pahám
/n/: bunton, doón, gaán, hagdán, kariktán, lakán, masdán, panahón
/ng/: abáng, bintáng, gulantáng, hilíng, kangkóng, lusóng, singsíng
/r/: bilyár, doktór, kolyár, lugár, menór, padér, talyér, ulsér
/w/: alíw, banláw, diláw, galáw, hiláw, kalabáw, litáw, pakyáw, sabáw
/y/: akbáy, bigáy, digháy, gabáy, hintáy, kamáy, suysóy, tuláy
/l/: ásal, bákal, dáhil, gígil, hiláhil, kalákal, lípol, pátol, súhol, tákal
/m/: ásim, bálam, gútom, hílom, kúlam, lágom, maínam, pakímkim
/n/: ákin, bilíhan, dúyan, haláman, kaibígan, likmúan, súman, tángan
/ng/: bílang, dáing, gíting, híging, kúlang, lúsong, magúlang, tábing
/r/: gárter, helikópter, kánser, líder, mártir, pláster, rebólber, talúrok
/w/: áraw, búgaw, dúngaw, gíliw, kágaw, línaw, sítaw, tákaw
/y/: álay, bágay, dúlang, gíray, hánay, kúlay, láboy, pálay, tinápay

5. Mariin – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig o katinig, at binibigkas nang may-kabigatan binibigkas sa ikatlo, ikaapat, ikalima, o higit pang pantig mula sa huling pantig. Ang diin ay nasa patinig ng ikatlo, ikaapat, ikalima, o higit pang pantig, at ang sagisag ng diin ay pahilis (′) din. Maaaring sa patinig ng huling pantig ay iba na ang diin.
ika-3 mula sa huling pantig: maáarì, nárito, páwíkan, Saligáng-batás
ika-4 mula sa huling pantig: ábuluyán, épilogó, nanggígitatà, nápipintô
ika-5 mula sa huling pantig: mápagkamalán, mápariwarà, nangángalumbabà
ika-6 mula sa huling pantig: págpapatiwakál

6. Malaw-aw – kapag ang salita ay binibigkas nang pahakdaw sa huling pantig ng salita, na mistulang pinaghihiwalay ang ikalawang huling katinig o huling katinig at ang huling patinig sa pamamagitan ng gitling (-) at hindi ng tuldik.
agay-ay, agaw-aw, alay-ay, aliw-iw, an-an
gab-i, ig-ig, palaman-an
salag-oy, tung-ol
ug-og, uk-ok, ut-ot

Mga Sanggunian:
Alexander Dagrit . September 24, 2009. Ang Tugma, Sukat, At Alindog Sa Tradisyonal Na Panulaang Pilipino. Retrieved from http://www.filipinowriter.com/ang-tugma-at-sukat-sa-tradisyonal-na-panulaang-pilipino
Almario, Virgilio S. Taludtod at Talinghaga: Mga Sangkap ng Katutubong Pagtula (1985).
Rizal, Jose. "Ang Sining ng Panulaang Tagalog" sa Mga Iba't Ibang Sinulat Ni Rizal (1964).
Santos, Lope K., Balarila ng Wikang Pambansa (1939).
Torres, Cesario Y. "Ang Tula" sa Makabagong Pananaw Sa Wika at Panitik (1976).

Mga Uri Ng Tunog Ng Mga Salita

Narito ang mga iba't ibang uri ng tunog ng mga salita:

1. May impit na mabilis. Kung ang patinig ay binibigkas nang tuloy-tuloy at pasara (â, ê, î, ô, û), ang tunog nito ay may impit na mabilis. Ginagamit ito sa dulo ng mga salitang maragsa ang bigkas; sa gayon, ang tunog sa dulo ng gayong mga salita ay ganoon din: may impit na mabilis.
/â/: akmâ, badhâ, dalitâ, gibâ, hupâ, kaliwâ, simulâ, tubâ, ugâ, walâ
/ê/: bembê
/î/: binhî, gahî, hingî, iklî, kawangkî, luntî, muhî, pigî, tilî, untî
/ô/: anyô, bigô, dukmô, hintô, kulô, muktô, sundô, tukô, wastô, yugtô
/û/: tatû

Ang mga patinig na may impit na mabilis ang tunog ay ginagamit din sa dulo ng mga salitang mariin ang bigkas; sa gayon, ang tunog sa dulo ng gayong mga salita ay ganoon din: may impit na mabilis.
/â/: bigáypalâ, dalít-bansâ, kálunyâ, mámayâ, námamagâ, pulót-gatâ
/î/: malí-malî, kamuhí-muhî, nápangiwî
/ô/: kásundô, likú-likô, natútuyô, salá-gintô

2. May impit na banayad. Kung ang patinig ay binibigkas nang dahan-dahan at pasara (à, è, ì, ò, ù), ang tunog nito ay may impit na banayad. Ginagamit ito sa dulo ng mga salitang malumi ang bigkas; sa gayon, ang tunog sa dulo ng gayong mga salita ay ganoon din: may impit na banayad.
/à/: akalà, biyayà, diwatà, garà, hità, kubà, luhà, tihayà, sipà, yatà
/è/: bekè
/ì/: amukì, balì, gisì, kawalì, lapì, mungkahì, pilì, susì, tigì, warì
/ò/: akò, balahò, durò, guhò, katutubò, ligò, ngusò, pasò, sukò, tubò

Ang mga patinig na may impit na banayad ang tunog ay ginagamit din sa dulo ng mga salitang mariin ang bigkas; sa gayon, ang tunog sa dulo ng gayong mga salita ay ganoon din: may impit na banayad.
/à/: kátiwalà, lámang-lupà, mápariwarà, magdaláng-awà
/ì/: mánanahì, nangíngibì, pánikì
/ò/: nápasubò

3. Walang impit (at mabilis ang bigkas). Kung ang patinig ay binibigkas nang tuloy-tuloy at hindi pasara (á, é, í, ó, ú), ang tunog nito ay walang impit. Ginagamit ito sa dulo ng mga salitang mabilis ang bigkas; sa gayon, ang tunog sa dulo ng gayong mga salita ay ganoon din: walang impit.
/á/: adyá, buká, diktá, halá, kuhá, maantá, ngangá, puná, simbá, tulyá
/é/: halé
/í/: aligí, bilí, dumí, gantí, irí, kublí, lansí, maskí, suwí, waksí
/ó/: akó, bagyó, kalbó, dapyó, guló, lunó, noó, simbuyó, tuksó, ubó

Ang mga katinig na walang impit ang tunog (at mabilis ang bigkas) ay ginagamit din sa iba-ibang pantig at sa dulo ng mga salitang mariin ang bigkas; sa gayon, ang tunog sa dulo ng gayong mga salita ay ganoon din: walang impit.
/á/: bálaná, kálulwá, kiníkitá, lápidá, mákiná, músiká, óperá, pábulá
/é/: élisé
/í/: di-mápakalí, náhulí, táhurí
/ó/: ánimó, bíyatikó, depósitó, epikó, líkidó, máginoó, nátutó, trápikó

4. Walang impit (at banayad ang bigkas). Kung ang patinig ay binibigkas nang dahan-dahan at hindi pasara (a, e, i, o, u), ang tunog nito ay walang impit. Ginagamit ito sa dulo ng mga salitang malumay ang bigkas; sa gayon, ang tunog sa dulo ng gayong mga salita ay ganoon din: walang impit.
/a/: ága, bága, kíta, dalága, háwa, lása, máya, píta, sinaúna, yáya
/e/: ále, babáe, kláse, gábe, héle, lénte, mónghe, paléngke, síge
/i/: bíbi, buháwi, díni, ígi, kilikíli, ngísi, oyáyi, pípi, saríli, táksi
/o/: aníno, bágo, katóto, hálo, líbo, matalíno, píno, síko, táo, unáno

5. Malakas. Ang mga katinig na b, d, g, k, p, s, at t ay malakas ang tunog. Sa gayon, ang tunog sa dulo ng mga salita na nagtatapos sa mga katinig na ito ay ganoon din: malakas.
/b/: álab, liyáb, sánib, liblíb, taób
/d/: gáwad, ladlád, lúbid, hatíd, hágod, pudpód
/g/: pápag, palág, pánig, sahíg, húlog, tunóg
/k/: bálak, halták, búlik, halík, bátok, taluktók
/p/: apúhap, sapsáp, lírip, tahíp, háyop, tiklóp
/s/: gátas, ligtás, páwis, tamís, batíkos, kaluskós
/t/: áwat, tapát, lápit, damít, ámot, gamót

Ang mga katinig na malakas ang tunog ay ginagamit din sa mga salitang mariin ang bigkas; sa gayon, ang tunog sa dulo ng gayong mga salita ay ganoon din: malakas.
/b/: nágliliyáb, násubasób
/d/: kinákapatíd, nalúlugód, namámanhíd, násamíd
/g/: kánugnog, nangíngílag, nálalaglág, nárinig, náuntóg
/k/: dumádapúrak, mápahámak, námamarák, nanánabík, túktók
/p/: nátutóp
/s/: lumálabás, mádupílas, nagpúpuyós
/t/: kinákatíkot, nakayáyamót, nápamulágat, náwaglít, sábukót

6. Mahina. Ang mga katinig na l, m, n, ng, r, w, at y ay mahina ang tunog. Sa gayon, ang tunog sa dulo ng mga salita na nagtatapos sa mga katinig na ito ay ganoon din: mahina.
/l/: ángal, dangál, dáhil, ukilkíl, sípol, tahól
/m/: ínam, linamnám, ánim, taním, lágom, kuyóm
/n/: káwan, pinggán, hángin, tingín, dáhon, taón
/ng/: báwang, kináng, síning, tudlíng, kálong, pagóng
/r/: asár, mártir, doktór
/w/: hálaw, galáw, sáliw, liwalíw
/y/: kílay, gabáy

Ang mga katinig na mahina ang tunog ay ginagamit din sa mga salitang mariin ang bigkas; sa gayon, ang tunog sa dulo ng gayong mga salita ay ganoon din: mahina.
/l/: bódabíl, bóliból, mánananggól, máparoól, pánggigítil
/m/: nagkíkimkím
/n/: álinlangán, báyaníhan, kágawarán, kúlúngan, mágasín, pángitaín
/ng/: gumágápang, mánibaláng, málulóng
/r/: éditór
/w/: madalíng-áraw, naúúhaw
/y/: bukáng-liwaywáy, di-mápalagáy, másinsáy, págsasanáy

Noong 1987, nang maragdagan ang mga titik ng alpabetong Pilipino, naragdagan din ang mga katinig na itinuturing na may malakas na tunog: c, f, j, q, v, x, at z. Sa gayon, ang tunog sa dulo ng mga salita na nagtatapos sa mga katinig na ito ay ganoon din: malakas.
Ang h at ñ ay hindi nabibilang sa alinmang pangkat ng mga tunog dahil walang salitang Pilipino na nagtatapos sa mga salitang ito.

Mga Sanggunian:
Alexander Dagrit . September 24, 2009. Ang Tugma, Sukat, At Alindog Sa Tradisyonal Na Panulaang Pilipino. Retrieved from http://www.filipinowriter.com/ang-tugma-at-sukat-sa-tradisyonal-na-panulaang-pilipino
Almario, Virgilio S. Taludtod at Talinghaga: Mga Sangkap ng Katutubong Pagtula (1985).
Rizal, Jose. "Ang Sining ng Panulaang Tagalog" sa Mga Iba't Ibang Sinulat Ni Rizal (1964).
Santos, Lope K., Balarila ng Wikang Pambansa (1939).
Torres, Cesario Y. "Ang Tula" sa Makabagong Pananaw Sa Wika at Panitik (1976).

Author Name

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.