March 2018

LET Reviewer for Agriculture and Fishery Arts with Answer Keys

Here are the Printable LET Reviewers for Agriculture and Fishery Arts. The following LET Reviewers are Free and Downloadable. Get your copy from the links below!

Agriculture and Fishery Arts LET Reviewers with Answer Keys

How to download?

Note: All files are safe and free from any malware or virus.


For the complete list of LET Reviewers click the link below:

LET Reviewer for Filipino Major with Answer Keys

Here are the Printable LET Reviewer for Filipino Major with Answer Keys. The following LET Reviewers are Free and Downloadable. Get your copies now from the link below!

LET Reviewers for Filipino

How to download?

Note: All files are safe and free from any malware or virus.


For the complete list of LET Reviewers click the link below:

LET Reviewers for MAPEH Major with Answer Keys

Here are the Printable LET Reviewers for MAPEH Major with Answer Keys. The following LET Reviewers are Free and Downloadable. Get you copies now from the links below!

LET Reviewers for MAPEH Major

For the complete list of LET Reviewers click the link below:

How to download?

Good Luck and God Bless

Note: All files are safe and free from any malware or virus.

Ang Dula at ang Iba't Ibang Uri at Elemento Nito

Ano ang Dula?

Ang dula ay isang uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na may maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. 
Madalas na ang mga unang pumapasok sa ating isipan kapag naririnig ang salitang Dula ay ang entablado at mga aktor na umaarte rito. Ito ay nahahati sa ilang yugto at ang bawat yugto’y maraming tagpo.
Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay ang simula, gitna at wakas. Ang mga sangkap nitong tagpuan, tauhan at sulyap sa suliranin ay mamamalas na sa simula. Ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan ay matatagpuan sa gitna. Ang kakalasan at ang kalutasan naman ay matatagpuan sa wakas.
Ngunit ang Dula ay hindi lamang sa entablado makikita. Ito ay hango sa diwa ng mimesis o ang panggagagad o panggagaya sa mga nagaganap sa totoong buhay. Ang isang bata na ginagaya ang paraan ng pagkilos at pagsasalita ng isang matanda ay matatawag nang pagsasadula.
Bago pa ang konsepto ng entablado sa Pilipinas, ginagawa na ng mga katutubo ang panggagagad sa pamamagitan ng mga ritwal, sayaw, at awit na may diwa ng iba’t-ibang mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao o tribo. Sa pamamagitan ng mga Dula, naipapaniwala sa isang lipi ang kultura at naipapasa ang tradisyon sa susunod na saling lahi.

Mga Uri ng Dula

1. Komedya
Katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema, at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas.
2. Trahedya
Kung ang tema nito’y mabigat o nakasasama ng loob kaya nakakaiyak, nakalulunos ang mga tauhan, karaniwang sila ay nasasadlak sa kamalasan, kabiguan, kawalan, at maging sa kamatayan, kaya nagwawakas na malungkot.
3. Melodrama o Soap Opera
Kung ito’y sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang wala ng masayang bahagi sa buhay ng tahanan kundi pawang problema na lamang ang nangyayari sa araw-araw. Ito’y karaniwang mapanonood sa mga de seryeng palabas.
4. Tragikomedya
Kung magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni Shakespeare na laging may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli’y nagiging malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang bida o ang mga bida.

Mga Pangunahing Sangkap ng Dula

Ang dula ay mayroon ding tatlong sangkap:
1. Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.
2. Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.
3. Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan

Mga Sangkap ng Dula

1. Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad
sa dula
2. Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula
3. Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula
4. Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan
5. Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula
6. Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
7. Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian
8. Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood

Elemento ng Dula

1. Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip.
2. Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula.
3. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.
4. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.
5. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood.

Eksena at Tagpo

Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.

Civil Service Exam Complete Exemptions

Who are exempted in taking Civil Service Exam? What are the requirements and process in acquiring Civil Service Eligibility Certificate? These are some of the most common questions being raised by interested applicants who want to become a Government employee.

Having Civil Service Eligibility is one of the basic requirements in entering the Government's workplace. You can possess the said eligibility if you take the CSE or the Civil Service Examination. However, there are also exemptions on the examination. Those people who are eligible are just advised to go to the nearest CSC Regional Office to inquire about the requirements in obtaining the certification.

You may also like: Latest Civil Service Exam Reviewers Compilation

Summarized below are the complete exemptions to CSE professional and subprofessional eligibility exams.

A. BAR AND BOARD EXAM PASSERS ELIGIBILITY
Granted pursuant to Republic Act 1080, passers in bar exams conducted by the Supreme Court and licensure board exams conducted by the Professional Regulation Commission (PRC) are already exempted. As quoted from RA 1080, (Full details and requirements courtesy of CSC)
Eligibilities resulting from passing the Bar/Board examinations shall be required for appointment to positions the duties of which constitute the practice of profession regulated by the Philippine Bar/Board laws. Eligibilities resulting from Bar/Board examinations which require completion of a bachelor’s degree shall be considered appropriate to positions for which the examinations were given, and to other first and second level positions not covered by Bar/Board/special laws, and/or those that require other special eligibilities as may be determined by the Commission, or those that require licenses such as those positions listed under Category IV of CSC MC No. 11, s. 1996, as amended. (Provided under Item No. 6, Part V of the Revised Policies on Qualification Standards) Eligibilities resulting from Board examinations which require less than four (4) years of college studies shall be appropriate for appointment to positions for which the examinations were given, and to other first level positions not covered by other Board/special laws, and/or those that require other special eligibilities as may be determined by the Commission, or those that require licenses such as those positions listed under Category IV of CSC MC No. 11, s. 1996, as amended. (Provided under Item No. 7, Part V of the Revised Policies on Qualification Standards)

B. BARANGAY HEALTH WORKERS (BHW) ELIGIBILITY
Pursuant to Republic Act No. 7883, also known as the “Barangay Health Workers Benefits and Incentives Act of 1995”, a BHW with at least two years in college education leading to a college degree and and five years of active and satisfactory service as BHW to the community may be granted with BHW eligibility. As extracted from RA 7883, (Full details and requirements courtesy of CSC)
The services must be voluntary, meaning, the BHW has not been employed and has not received any form of salary, or compensation, except honorarium, in the entirety of the five-year period for service requirement. The services rendered must be continuous for a minimum period of five (5) years, meaning, the BHW should have served actively and satisfactorily on a full time basis. The services rendered shall be under accredited status of the BHW, meaning, the applicant-BHW should already had been accredited by the Local Health Board before rendering the five-year service requirement. BHW who had been hired by agency under Job Order status and/or Contract of Service, may still avail of/qualify for the grant of BHWE.

C. BARANGAY NUTRITION SCHOLARS ELIGIBILITY
Pursuant to the Presidential Decree No. 1569, it says that the Barangay Nutrition Scholars shall be granted to Barangay-based volunteer workers for rendering at least 2 years of continuous and satisfactory nutrition services and other related activities such as community health, environmental sanitation, culture, mental feeding and family planning.
Likewise, the decree also stated that those who have been hired by agencies under Job Order status and/or Contract of Service may still avail of/qualify for BNS eligibility. (Full details and requirements courtesy of CSC)

D. BARANGAY OFFICIALS ELIGIBILITY
Barangay officials are granted CSC eligibility pursuant to Republic Act No. 7160 also known as the Local Government Code of 1991.
These consists of the Barangay Captain, Sangguniang Barangay members, Sangguniang Kabataan Chairmen, Barangay Officials: Barangay Treasurers, and Barangay Secretaries appointed by the duly appointed Barangay Chairman. (Full details and requirements courtesy of CSC)

E. ELECTRONIC DATA PROCESSING SPECIALISTS
Pursuant to CSC Resolution No. 90-083 dated January 22, 1990, passers of the proficiency tests and training courses administered by the ICTO formerly National Computer Center (NCC) shall be granted CSC eligibility. These includes those passers of Systems Analysis and Design and Computer Programming courses like Java, Microsoft Access and Microsoft Visual Basic. (Full details and requirements courtesy of CSC)

F. FOREIGN SCHOOL HONOR GRADUATES ELIGIBILITY
Pursuant to CSC Resolution No. 1302714 dated December 17, 2013, those who graduated summa cum laude, magna cum laude, cum laude or its equivalent in their baccalaureate degree beginning school year 1972-1973. Applicable Philippine law and rules shall be observed in resolving issues/concerns on citizenship. (Full details and requirements courtesy of CSC)

1.0 HONOR GRADUATES ELIGIBILITY
Pursuant to Presidential Decree No. 907, dated March 11, 1976 entitled “Granting Civil Service Eligibility to College Honor Graduates”, those who graduated summa cum laude, magna cum laude or cum laude, in their baccalaureate degree, regardless of the number of years of completion both for Private HEIs with bachelor's degree recognized by Commission on Higher Education and State Colleges with baccalaureate degree duly approved by its Board of Trustees. (Full details and requirements courtesy of CSC)

G. SANGGUNIAN MEMBERS ELIGIBILITY
In accordance with CSC Resolution No. 1300486 pursuant to RA No. 10156 stating the act of conferring upon members of Sangguniang Bayan, Sangguniang Panlungsod and Sangguniang Panlalawigan, the appropriate CSE Eligibility. These includes the Vice Mayor, Vice Governor and regular members of Sanggunian. (Full details and requirements courtesy of CSC)

H. SCIENTIFIC AND TECHNOLOGICAL SPECIALISTS ELIGIBILITY
Pursuant to Presidential Decree No. 997 entitled “Conferring Civil Service Eligibilities on Scientific and Technological Specialists on the Bases of Their Qualifications and the Requirements of Public Service”, the following are automatically granted with STSE provided additional requirements are met. As per CSC,
At least three (3) years of continuous experience in research and/or teaching in the pertinent field, which may include specialized training in research, or teaching experience at the college level in one’s major field or field of specialization, or completion of a patented invention or has earned a master’s or doctorate degree in his area of specialization. (Full details and requirements courtesy of CSC)
The applicant shall be specialized in the following fields of study.
Natural Sciences
  • Astronomy - Astrophysics
  • Biological Sciences - Biology (S & T), Microbiology, Botany, Molecular Biology and Biotechnology , Ecology, Physical Anthropology, Marine Biology and Zoology
  • Geological Sciences - Archeology, Geophysics, Paleontology, Seismology
  • Meteorology
  • Oceanography
  • Physics/Applied Physics
Engineering Sciences
  • Biological Engineering, Manufacturing Engineering, Ceramic Engineering, Materials Engineering, Computer Engineering, Mechatronics Engineering, Food Engineering, Petroleum Engineering, Geothermal Engineering, Railway Engineering, Industrial Engineering, Textile Engineering, Nuclear Engineering

Mathematics and Information and Communication Technology
  • Applied Mathematics, Computer Science, Information Technology, Pure Mathematics, Statistics, 
Other Disciplines
  • Environmental Science, Food Science

I. SKILLS ELIGIBILITY
Pursuant to CSC MC No. 11, s. 1996, positions which are not measurable by written test will be granted CSC eligibility. These include plant electrician, automotive mechanic, heavy equipment operator, laboratory technician, shrine curator, carpenter, draftsman, plumber, and others. (Full details and requirements courtesy of CSC)

J. VETERANS PREFERENCE RATING ELIGIBILITY
Pursuant to Executive Order (EO) No. 132, s. 1948 and EO No. 790 dated April 3, 1982, the veteran himself/herself or spouse and children shall be given Civil Service Eligibility. (Full details and requirements courtesy of CSC)
If the applicant is not in the list of eligibles, he/she may still apply for examination and be granted with CSC eligibility. CSC is administering these exams twice yearly. 

Disclaimer
All information posted above are courtesy of the PRCBoard and Civil Service Commission. This article has been made for dissemination purposes only. Should you have further clarification, I recommend to call them at their hotline or visit their nearest Regional Office for further details.

Ang Pabula

Ano ang Pabula?

Ang pabula o tinatawag ding kathang isip ay itinuturing na isa sa pinakamatandang anyo ng panitikan. Ito ay karaniwang isinasalaysay o ikinukwento sa mga bata upang mapalawak o mapamulat sa kanila ang magagandang asal. Kahit sa kabila nito, ang pabula ay likha lamang ng guniguni ng isang manunulat. Hindi totoong nangyari at hindi maaring mangyari. Piniling mga tauhan ang mga hayop dahil dito mas lalong maiintindihan o maisasalarawan ang aral na nais maipabatid sa mga bata. Giliw sila at interesado sa mga hayop kaya ito ang mga pangunahing ginagamit na tauhan. Ang pabula ay karaniwang nagwawakas sa isang mabuting aral o salawikain.

Ngunit hindi naman lahat ng pabula ang pangunahing gumaganap ay hayop. Mayroon ding pabula kung saan ang gumaganap ay tao katulad ng “Ang Batang Sumigaw ng Lobo” at “Ang Babaing Maggagatas” o magkahalong hayop at tao na katulad ng “Ang Mabait at Masungit na Buwaya”.

Bakit mga hayop ang pangunahing tauhan sa pabula?
Ang isang dahilan ay ang mga hayop ay may kanya-kanyang likas na katangian na madaling isalarawan upang mas maging malinaw ang paglalahad ng kuwento. Mga katangian na tulad ng pagiging maamo (tupa), mabagsik (lobo), masipag (langgam), tuso (alamid) at marami pang iba.

Ang isa pang dahilan ay noong unang panahon ay magkakasama ang mga tao bagamat sila ay mula sa iba't-ibang lipi at antas ng lipunan. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga hayop bilang pangunahing tauhan sa pabula ay naiiwasan ang pagkakagalit at pagtatalu-talo ng mga tao sa maaaring maging maling pag-aakala na ang kanilang lipi, o antas sa lipunan, ang tinatalakay at pinupuna pabula,

Sino si Aesop?
Si Aesop ang itinuturing na ama ng ancient fables dahil sa kanyang isinulat na mga pabula na naging bantog sa buong mundo. Si Aesop ay isang Griego (Greek) na namuhay noong panahong 620-560 BC. Siya ay isinilang na kuba at may kapansanan sa pandinig. Siya ay unang lumaki na isang alipin subalit sa kanyang ipinakitang sipag, katapatan, at talino ay pinagkalooban siya ng kalayaan ng kanyang amo at hinayaang maglakbay at makilahok sa mga kilos pambayan. Dito lumabas at nakilala ang kanyang talino at pagiging makatarungan. Siya ay lumikha ng mga pabula upang turuan ang mga tao sa tamang pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. Tinataya na siya ay sumulat ng mahigit sa 200 pabula na isinalin sa iba't-ibang wika.


Ano ang kahalagahan ng mga pabula?
Noong unang panahon, nang ang pamumuhay ng mga tao ay simple pa lamang, ang pabula ay ginagamit upang turuan ang mga tao sa tamang pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. Sa paglipas nang panahon ang pabula ay ginawang kuwentong pambata na karaniwang isinasalaysay sa mga bata bago sila patulugin ng kanilang mga magulang.

Sa ngayon ang pabula ay muling binabalikan at sumisikat dahil eto ay ginagamit sa ibang paraan upang kapulutang ng mga aral sa makabgong pamamaraan. Halimbawa sa larangan ng kalakalan ang pabula ay ginagamit ng pamunuan ng mga kumpanya upang turuan ang kanilang mga manggagawa sa wasto at karapat-dapat na pakikitungo sa kanilang mga kakalakalan, sa mga kapwa empleyado, at maging sa kanilang mga katunggali sa negosyo.

Ang Parabula

Ano ang Parabula?

Ang talinghaga, talinhaga, o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Ang parabula ay nanggaling sa English word na parable na nanggaling naman sa Greek word na parabole na ang ibig sabihin ay maiksing sanaysay tungkol sa buhay na maaring mangyari o nangyayari na kung saan nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng isang taong nahaharap sa pangangailangang mamili o magdesisyon.
Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.

Mga Kasabihan at ang mga Kahulugan Nito

Maraming kasabihan ang nagkalat noong unang panahon. Kadalasan ito ay pinapaniwalaan lalo na ng mga matatanda na isinasalin naman sa mga anak at apo nila. Pero may mga katotohanan ba ang mga kasabihang iyon? Basahin ang mga sumusunod na kasabihan at ang mga kahulugan nito. Ano ang ibig sabihin ng kasabihang ito...

Mga Kasabihan at ang mga Ibig Sabihin Nito

Bawal bumili ng karayom sa gabi. Mabubulag ka.
Malamang iniisip ng mga matatanda na sa gabi ka ring iyon magtatahi. Hindi pa naman syempre uso noon ang kuryente sa mga probinsya kaya kandila ang gamit nilang ilaw. Ikaw ba naman magtahi na kandila lang ang gamit e ewan ko lang kung di ka mamatay na hindi lumalabo ang mata mo. Sa pagpasok pa nga lang ng sinulid sa butas ng karayom ay mahirap na, magtahi pa kaya?

Wag tumuloy sa lakad pag may pusang itim na tumawid sa kalsadang dinadaan niyo. May maaaksidente. Pwedeng ikaw o yung mga taong iniwan niyo sa bahay.
Halimbawa: Gipit na ang pamilya niyo sa pera pero nagpupumilit sumama ang anak niyo sa outing ng mga kaibigan niya. Hindi siya mapigilan ng mga magulang niya sa pagalis kasi meron siyang perang inipon (uutangin sana ng pambili ng bigas). Kaya ang solusyon ng tatay, manghiram ng itim na pusa at padaanin ito sa unang kanto ng sa lugar nila pagalis ng anak niya. Syempre matatakot yung anak niya dahil may itim na pusa kaya ayon, hindi na siya sumama sa outing. Yan ang style noong unang panahon pa lang.

May dadating na bisitang babae pag nalaglag mo ang kutsara habang kumakain at lalaking bisita naman pag tinidor.
Ang Tinidor ay patusok. Nagsisimbulo ng pagkalalaki. Ang Kutsara ay palapad, simbulo ng pagkababae. Style ito ng mga lolo at lola natin para mapabilib nila tayo. Bilang nakatatanda, ginagalang natin sila dahil sila ang mas maraming nalalaman kesa sa atin. Style nila ito para manatili ang ating respeto at paghanga sa kanila.
Ex. Alam ng Lolo mo na dadating si Mang Igme sa bahay niyo ngayong tanghali dahil nagsabi na ito nung nakaraang linggo na babalik siya sa susunod na linggo sa parehong oras. Since yung lolo mo lang yung pinagsabihan ni Mang Igme, magkakaroon na siya ng tiyansa para magpasikat. Habang kumakain kayo ng tanghalian sasadyain ni lolo mo na malaglag ang tinidor ng paborito niyang apo at agad niyang sasabihin “Naku, may bisita tayong lalaking dadating”. Mabibilib ka na lang dahil mayamaya lang ay nandiyan na si Mang Igme sa hapag kainan niyo.

Pag nabungi ka sa iyong panaginip, may miyembro ng inyong pamilya ang mamatay. Kumagat sa pinto o haligi para hindi matuloy.
Noon, hindi masyadong vocal ang mga tao. Madalang sabihan ng mga anak ang kanilang mga magulang ng ‘Mahal kita’ o ‘Mahal ko kayo’. Paano malalaman ng mga matatanda na mahal sila ng kanilang mga anak o mga apo? aantayin nilang mabungi ang kanilang mga anak sa panaginip at pag nagkuwento sa kanila tungkol sa kanilang panaginip ay sasabihin agad nitong “Naku, masama yan, baka lumalala na talaga ang sakit ko. Baka mamatay na ako.” (Syempre bago mangyari iyon ay nakwento na ng mga nakakatanda ang kanilang dapat gawin pag nakapanaginip sila ng ganoon). Pag kumagat ang anak/apo sa pinto o haligi, ibig sabihin nun ay mahal sila ng kanilang anak/apo. Pag hindi kumagat, hindi na sila mahal. Ang tanong, ba’t sa pinto o haligi? Dati, lahat ng pinto o haligi ay pawang gawa sa kahoy. Pag kumagat doon ang kanilang anak/apo, babaon iyon at magiiwan ng bakas. Ang bakas na iyon ang kanilang magiging inspirasyon sa kanilang pagiisa sa bahay kapag nasa eskwela o trabaho na ang kanilang mga anak. “Kahit pala matanda na ako, mahal pa rin nila ako..”.

Bawal magligpit hangga’t di pa tapos kumain lahat ng nasa hapag kainan. Hindi raw makakapag-asawa.
Tanong, sino ang naiiwan lagi sa hapag kainan pag kumakain ang buong pamilya? malamang sina lolo’t lola na kung hindi nakapustiso ay gilagid lang ang ginagamit sa pag-nguya. Pag nagligpit ka, prinepressure mo sila na kumain ng mas mabilis na hindi nila kayang gawin dahil nga gilagid lang o pustiso ang kanilang pinangkakagat (hilig din ng matatanda manimot ng mga ulam lalo na pag isda dahil nanghihinayang sila kung itatapon lang). Kaya isang araw, nagkasundo si lolo’t lola mo na ang magligpit ng hapag kainan hangga’t di pa tapos lahat ay hindi mag-aasawa. Sino ba namang tao ang hindi gusto makapag-asawa diba? (maliban lang kung magma-madre o magpa-pari)

Bawal kumanta habang nagluluto. Hindi rin makakapag-asawa.
Ayaw ni lolo at lola mo na ang uulamin niyong buong pamilya ay titilamsikan mo ng laway. Simple. Kaya wag mo na subukang kumanta pa habang nagluluto.

May nakaalala daw sa iyo pag nasamid o nabulunan ka habang kumakain.
Usually, ikaw na nabulunan ay manghihingi ng number na may katumbas na letra. At ang letrang iyon ang simula ng pangalan ng taong nakaalala sa iyo. Pinauso ito ng mga matatanda para pakalmahin ka, Checkin kung ok ka lang at gawin kang katatawanan.
Halimbawa: “Uhummm uhummmm uhummm… Number nga!” (E kabisado nya na ang ‘J’ ay pang 10 letra yun ang sasabihin niya dahil si Joseph ang nanliligaw sayo). Magbibigay muna ng mga dalawang maling pangalan ang nakatatanda. “Joshua? ay hindi, Joel? ah!! alam ko na! Si Joseph yung bantay sa kapilya naaalala ka!”

Itapon ang ipin sa bubong at papalitan ito ng daga.
Bakit hindi aso? Bakit hindi pusa? Ang ipin ng daga ay mas nahahawig sa ipin ng tao. lalo na ang 2 ipin sa harap kumpara sa aso at pusa na matatalas. Sinasabi rin ito ng matatanda bilang pampalubag loob sa mga batang nahihiyang ngumiti at makipaglaro sa mga kaibigan. Sinasabi lang ito ng matatanda kapag hindi pa permanent tooth ang nabungi sa bata. Kaya ang mga bata, magugulat dahil totoo nga na napalitan ang kanilang ipin pagkalipas lang ng ilang linggo.

Mauunang mamatay ang nasa gitna pag 3 kayong nagpapicture.
Hindi lang napapansin ng karamihan, ngunit likas sa tao ang bigyan ng atensyon ang mga mas nakakatanda. Tumingin kayo sa mga grand family picture niyo. Sino ang nasa gitna? Sina lolo at lola hindi ba? Kung sino ang special, siya ang nasa gitna. Lalo na noong panahong sobrang konti pa lang ang mayroon camera at sobrang mahal ang magpakuha ng litrato. Ngayon, dahil sa digital camera, pwede na ang magpalipat-lipat ng pwesto. Kahit ang lolo at lola mo ang nasa magkabilang dulo at naka-wacky pa. Pero meron pa rin namang mga nagpapatuloy ng mga gawaing ito. Ang mga class picture natin. Sino ang nakapwesto sa gitna? Walang iba kundi ang adviser mo na di hamak na mas matanda at mataas ang posibilidad na una siyang mamatay kaysa sayo.

Wag matutulog na basa ang buhok. Mabubulag ka.
Una, hindi ito applicable sa mga kalbo. Pangalawa, para mapatunayan niyo ito sa sarili niyo, subukan niyo ito ng kahit isang beses. Hindi totoo na mabubulag ka. Pero totoo na gigising ka na blurred ang iyong paningin. San ba nagsisimula ang pagkabulag? Edi sa panlalabo ng paningin. Kaya nila nasasabi na mabubulag ka, hindi nga lang agad-agad kundi pag pinagpatuloy mo ang pagtulog na basa ang buhok. Lalo na noong unang panahon na wala pang magagandang tela na bath towel na nakakaabsorb ng tubig sa buhok at lalo ng wala pang electric fan at hair dryer at blower.

Wag magpapalit o kakain sa dalawang plato. Dalawa ang magiging asawa mo.
Hindi nilinaw ng kasabihan na ito kung dalawa bang sabay ang magiging asawa mo o mabibiyuda ka at makakapag-asawang muli. Ang pinaka punto lamang nito ay ang kakuntentuhan ng tao sa isang bagay. Kung kuntento ka na sa isang platong kinainan mo, hindi mo na kailangang maghanap o magpalit pa ng ibang plato. Ang simpleng pag-uugali kung minsan ay lumalarawan sa kabuuan ng ating pagkatao.

Wag magpalumbaba. Lalapitan ka ng malas.
Dahil ba ito sa pose ni Ninoy sa 500 peso bill? o dahil sa kasabihang ito kaya ganun ang naging pose ni Ninoy sa 500 peso bill? Ang pagpalumbaba ay nagiging natural na postura ng tao kapag sila ay nag-iisip ng malalim at matagal at kadalasang natutulala at napapadiretsong idlip. Sinasabi ito ng mga tao matatanda sa mga tindero at tindera nila noon dahil bukod sa mahahalata ng mga tao na matumal ang kanilang benta ay matutukso ang mga tindero na maidlip.

Wag magwalis sa gabi. Lalabas ang grasya.
Noon, may halaga ang ating 1 sentimo. Hindi pa rin noon uso ang mga bumbilya at gumagamit lamang sila ng gasera. Mawawalis ang mga nakakalat na barya sa sahig kapag nagwalis sila sa gabi. Kaya iniiwasan nila ito.

Bawal isukat ang damit pangkasal. Hindi matutuloy ang kasal.
Binubuo ito ng element of surprise. Sa araw lamang ng kasal ito dapat isuot. Para mapangalagaan ang pagiging espesyal ng okasyong inyong pinaka-aabangan.

Bawal magpakasal ang magkapatid sa loob ng isang taon o pag may namatay na kamag-anak. Sukob. Mamalasin ka.
Sukob dahil sa gastos. Dahil magastos ang mag-pakasal at magpalibing. Dapat 1 year ang pagitan. Para maka-ipon at magpagpa hinga muna ang mga kamag-anak na magreregalo sa inyo. Isang malaking sumpa ang wala ng magastos na pang-ulam ang mga bagong kasal hindi ba? Hindi rin maganda magdiwang at magsaya agad pagkamatay ng nanay o tatay mo.

Wag didiretso sa bahay pag galing sa lamay, susundan ka daw kasi ng patay
Kailangan daw na tumambay ka muna sa kung saan tulad ng tindahan, ihawan para mailigaw ang kaluluwang susunod sa iyo. Malamang ay ayaw lang ng nag-imbento ng kwento na ito na malaman ang nakakatakot na pangyayari sa buhay ng namatay. Sila yung mga taong takot sa horror story at ni ayaw sumilip sa kabaong dahil hindi daw nabubura sa kanilang isip.

Kapag may inutos daw sayo ang tao bago ito mamatay at hindi mo nasunod, ay mumultuhin ka nito.
Ito ay panakot lang ng mga magulang sa kanilang mga anak para sundin sila palagi ng kanilang anak dahil ang buhay ng tao ay hindi permanente at sa kahit anong oras ay pwede tayong mamatay

Pag namatay na mabait, diretso sa langit. Pag namatay na masama, diretso sa impyerno. Pag medyo-medyo, diretso sa purgatoryo.
Ito ay panakot lamang ng mga pari na isinabuhay na ng mga tao. Ito ay isang paraan para magkaroon ng lipunan na binubuo ng mga taong mababait. Ang purgatoryo ay isa raw lugar kung saan dadalisayin ka sa iyong nagawang kasalanan. Ang haba raw ng itatagal ng tao dito ay nakadepende sa nagawa mong kasalanan. At para mapaiksi daw ang paglalakbay ng taong namatay ay kailangan siyang tulungan magdasal ng mga mahal sa buhay. Ang purgatoryo ay wala dati sa mga aral ng Roma Katolika at umusbong lang noong 1215 sa Lateran Council at muling umusbong noong 1431 sa Leon Council at Trent Council sa pagitan ng 1545 hanggang 1563. Totoo bang may langit at impyerno? Yan ay nakadepende na sa paniniwala ng tao, pero ang langit at impyerno ay mababasa mismo sa reperensya ng mga kristiyano, ang Biblia. Ngunit ang Purgatoryo ay hindi nakasulat sa biblia at interpretasyon lang.

Kailangan daw binyagan ang bata para di madaling magkasakit.
Walang malinaw na paliwanag ang siyensa sa paniniwala dito ng mga katoliko. Ginawa lamang ito para akitin ang mga magulan na ipabinyag ang kanilang anak noong panahon na hindi pa nadidiskobre ang ‘immune system’, ‘vaccine’ at ‘vitamins and minerals’.

Pag patulis daw ang tiyan ng buntis ay lalaki at pag bilugan naman ay babae.
Ang matulis ay phalic symbol lamang (ari ng lalaki) kaya nila naisip na kapag lalaki ay “Matulis” at bilog naman pag babae.

Bawal daw maligo ng 1 linggo, pagka-panganak dahil mabibinat.
Marami na ang nagpatunay na hindi ito totoo. Sinasabi lamang ito noon para mabigyan ang nagbuntis ng higit pa sa espesyal na atensyon ng kanyang asawa at pamilya. Kadalasan ay hindi pinapakilos ang bagong panganak. Ngunit sa ibang bansa ay bumabangon agad at gumagawa ng gawaing bahay. Isa pa, ang mga gawaing bahay noon ay pisikal tulad ng paglalaba na hindi pa ginagamitan ng washing machine, igib ng tubig noong panahong wala pang gripo at pagluluto ng wala pang kalan.

Pag kumain ng kambal na saging ang buntis, ay magiging kambal ang anak.
Nakatsamba lang siguro ang unang kumain nito kaya nagawa niya ang kwentong ito. Kung totoo ito ay malamang sa malamang, lahat ng pinay na nagbubuntis ay kambal na. Ang panganganak ng kambal ay maipapaliwanag sa siyentipikong paraan at hindi sa mala-alamat ng saging na paraan.

Papahiran daw ng laway ang bata ng taong nakabati dito para iwas ‘usog’.
Isa lamang itong imbentong paniniwala. Kadalasan ang bata ay natural na umiiyak kapag may nakakasalamuhang bagong amoy, hitsura at ingay ng tao. Minsan ay nagkakataon lang na masama ang pakiramdam ng bata noong mabati ito ng kakilala.

Para mawala ang sinok ng bata, lagyan ng sinulid sa noo.
Wala itong siyentipikong basehan. Maaari lamang na napupunta ang atensiyon ng bata sa sinulid na nakalaylay sa kanyang noo kaya naiiba ang paghinga at pwesto dahil sa pilit na pag-abot nito.

Kapag nadulas daw ang nanay habang nagbubuntis na una ang puwit, ay bingot ang magiging anak.
Ang pagkabingot ay namamana sa angkan. Pangsisisi lamang ito ng mga tao sa kapabayaan ng magulang at hindi pag-iingat sa pagdadalang tao.

Pakainin ng puwet ng manok ang bata para mabilis makapag-salita.
Ang kakayahan ng bata ay nakadepende sa talino, sustansya at taong nakapaligid dito. Siguro ay aksidenteng napakain si Gloc-9 noong bata pa kaya naimbento ang kwentong ito. Isa itong malaking imbento ng mga matatanda. Baka kailangan din nilang pakainin ng paa ng manok ang bata para mabilis ding makalakad.

Kapag natinik sa pagkain ng isda, magpahilot sa lalamunan sa kakilalang taong suhi.
Mawawala daw ang tinik pag nagpahilot ka ng lalamunan sa kanila. Ang ‘suhi’ ay ang mga taong unang lumabas ang paa sa panganganak imbis na ulo muna. Isa lamang itong pagbibigay ng espesyal na pagturing sa mga taong suhi. Tila may hiwaga daw ang mga taong pinanganak na una ang paa. Ginawa lamang ito para ipagkalat na pinangak niya ang anak niya na una ang paa upang maging sikat siya at pag-usapan sa kanilang lugar.
“Uy, natinik yung anak ko! Pahilot nga sa lalamunan!”
“Sige”
Nachambahang natanggal
“Uy! Thank you ha! You’re a hero in disguise! Ang laki ng utang na loob ko sayo! O, iuwi mo itong isang kilo ng bayabas!”
“Thank you po.”
Mas epektib pa ang pagpapalunok ng kanin o kaya ng malaking parte ng saging kapag natinik.

Wag mag-outing bago ang graduation.
Karamihan pinagbabawalan ng mga magulang na pasamahin ang anak nila bago at pagkatapos ng graduation dahil takaw aksidente daw. May nalulunod, nababangga ang sasakyan at iba pang malalang aksidente.
Takot silang gumala ka bago ang graduation dahil ang pera nila na panghanda sa inyong magiging bisita ay mababawasan kapag pumunta ka sa Boracay dahil tiyak na manghihingi ka. Magastos ang paggraduate.
Takot silang sumama ka sa outing pagkatapos ng graduation dahil bukod sa galing kayo sa malaking gastusin, ikaw ang inaasahan nila na mag-aahon sa kanila sa kahirapan at takot silang maaksidente ka dahil pag nawala ka, mawawalan ng kabuluhan ang kanilang pagpapaaral sayo. Ang pag-asa nilang inatang sayo ay mawawala kapag namatay ka.
Kaya intindihin niyo ang magulang ninyo. Hindi sila naghihigpit dahil naniniwala sila na may nangunguhanh diwata sa ilog kundi mas tumaas lang ang kanilang pagpapahalaga sa iyo.

Pag nagkaroon ka ng sugat sa mahal na araw, hindi ka gagaling.
Habang buhay daw na hindi gagaling ang iyong sugat kapag nagkasugat ka sa mahal na araw. Maliwanag na hindi ito totoo dahil yung mga nagpepenitensya ay gumagaling naman. Minsan nga lang yung mga nagpepenitensya ay nagkakapalitan ng dugo dahil walang tigil sa pagtalsik ang mga dugo. At kapag nahawa sila sa may AIDS at iba pang sakit, hindi na maaaring gumaling pa.

Sanggunian:
Metaporista. July 8, 2010. Linaw at Paliwanag Sa Mga Kasabihan at Pamahiin ng Matatanda. Retrieved from https://metaporista.com/2010/07/08/linaw-at-paliwanag-sa-mga-kasabihan-ng-matatanda

Latest Civil Service Exam Reviewers Compilation

Civil Service Examinations (also public tendering) are examinations implemented in various countries for recruitment and admission to the civil service. They are intended as a method to achieve an effective, rational public administration on a merit system. - Wikipedia
Also Read: Who are exempted in taking the Civil Service Examination?
If the person has a civil service eligibility, he/she has a higher standing or chance to be hired as a government employee. However, we can't have the said eligibility instantly unless we take and pass the Civil Service Examination. Here are some Civil Service Exam / CSE Reviewers that you can download for free.
The following FREE CIVIL SERVICE EXAM REVIEWERS includes reviewers for: Professional and Sub-Professional together with their answer keys which are printable (pdf and docx format).

How to download?
Please read this Simple Downloading Instruction

Good Luck and God Bless
Note: All files are safe and free from any malware or virus.

Please read the disclaimer below.
Thanks and Credits to the original author.

Mga Bahagi at Salik ng Maikling Kwento

Kahulugan ng Maikling Kwento

“Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap.” Ito ay ayon sa kinikilala ng mga dalubhasa na ama ng makabagong maikling kwento na si Edgar Allan Poe.

Walang hanggan ang maaring paksain ng manunulat ng maikling kwento. Ang mga kwento’y maaring maging hango sa mga pangyayari sa totoong buhay, at maaari rin namang patungkol sa kababalaghan at mga bagay na hindi maipaliwanag ng kaalaman.

Iba-iba rin ang istilo ng mga manunulat sa paggawa ng akda. Kung ang layunin ng manunulat ay aliwin ang mga mambabasa, maaaring sa magaan na paraan lamang niya tinatalakay ang mga pangyayari. Ang iba nama’y gumagamit ng mabibigat na salita upang magdulot ng mas malalim na pang-unawa ng mambabasa sa kalagayan at karanasan ng tao kung saan hango ang kwento.

Sa pamamagitan ng mga tauhan, ng tagpuan, at banghay ng maikling kwento naihahatid ng isang kwentista ang mga imahinasyong nabuo sa kanyang malawak na kaisipan.

Paglalarawan:
Bilang isang masining na panitikan,naglalahad ng isang pangyayari ang maikling kuwento. Hindi katulad ng nobela, hindi kahabaan ang pagsasalaysay sa maikling kwento, higit na kakaunti ang mga tauhan nito, mas mabilis ang paglalahad, at higit na matipid sa paggamit ng mga pananalita.

Layunin:
Bilang anyo ng panitikan, may layunin itong magsalaysay ng isang maselan at nangingibabaw na pangyayari sa buhay sa pangunahing tauhan, at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Isa pa rin sa mga pangunahing layunin nito ang manlibang. Isa itong uri ng panitikan na nag-iiwan ng mga aral at kaisipan sa mambabasa.

Kayarian:
Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang maikling kwento ng isang pangyayari hango sa tunay na buhay; may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.

Bahagi ng Maikling Kwento

Mayroong iba't ibang bahagi ang Maikling kwento at ito ang mga sumusunod:

1. Simula
Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

2. Gitna
Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

3. Wakas
Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento.

Mga Salik ng Maikling Kwento

Ang maikling kwento ay mayroong tatlong salik: ang Tauhan, Tagpuan, at Banghay. Sa pamamagitan ng mga ito naihahatid ng isang manunulat mga kwentong nabuo sa kanyang isip.

1. Ang Tauhan ang siyang nagdadala ng suliranin at nagiging basehan sa kung anong magiging takbo ng kwento. May tatlong dimensyon na naglalarawan sa isang tauhan. Iyon ay ang pisikal (pisikal na anyo ng mga tauhan), pisiyolohikal (estado sa lipunan ng tauhan) , at sikolohikal (mga paniniwala ng tauhan).

2. Ang Tagpuan naman ang lugar na pinangyarihan ng kwento. Ang kapaligiran kung saan naganap ang kwento aynakakaapekto sa pakikipagtunggali at pagpapasiyang ginagawa ng mga pangunahing tauhan.

3. Ang Banghay ay ang mga pangyayaring nagpapaunlad sa suliranin at tunggaliang dadalhin ng mga pangunahing tauhan at kung paano niya ito haharapin.

Mga Uri at Elemento ng Maikling Kwento

Ano ang Maikling Kwento?

Ang maikling kuwento ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Ang Maikling kwento ay binubuo rin ng mga Elemento nito at mayroon din itong iba't ibang uri.

Mga Elemento ng Maikling Kwento

1. Panimula - Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
2. Saglit na Kasiglahan - Nagpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa problema.
3. Suliranin - Problemang haharapin ng tauhan.
4. Tunggalian - May apat na uri: tao vs. tao, tao vs. sarili, tao vs. lipunan, tao vs. kapaligiran o kalikasan.
5. Kasukdulan - Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
6. Kakalasan - Tulay sa wakas.
7. Wakas - Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
8. Tagpuan - nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
9. Paksang Diwa - pinaka kaluluwa ng maikling kwento.
10. Kaisipan - mensahe ng kwento.
11. Banghay -pangyayari sa kwento.

Mga Uri ng Maikling Kwento

May siyam na uri ang maikling kuwento at ito ang mga sumusunod:
1. Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
2. Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
3. Sa kwentong bayan nilalahad ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
4. Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
5. Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
6. Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
7. Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
8. Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento.
9. Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kwento ng katatawanan.

Ang Sanaysay at mga Elemento Nito

Ano ang Sanaysay?

Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda. Ito rin ay ang pagtalakay sa isang paksa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang naglalantad ng kaisipan, kuru-kuru, palagay at ng kasiyahan ng sumusulat upang umaliw, magbigay kaalaman o magturo. Ang sanaysay ay nagmula sadalawang salita: ang sanay at pagsasalaysay.
Mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang mambabasa mula sa inilahad na kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat. nakikilala rin ng mambabasa ang manunulat dahil sa paraan ng pagkasulat nito, sa paggamit ng salita at sa lawak ng kaalaman sa paksa.

Dalawang Uri ng Sanaysay

1. Pormal - ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan. Kung minsa'y tinatawag itong impersonal o syentipiko sapagkat ito'y binabasa upang makakuha ng impormasyon.

2. Impormal - ito ay tinatawag ding pamilyar o personal na nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng may akda. Ito ay may himig na parang nakikipag-usap, nais maglahad ng isang panuntunan sa buhay. Ito rin ay naglalarawan ng mga pakahulugan ng may akda sa isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang pagmumuni-muni at paglalahad ng pala-palagay o kuro-kuro.

Mga Katangian ng Impormal na Sanaysay
1. Ang paksa'y kaakit-akit at kawili-wili.
2. Ito'y hindi isinulat upang makasakit ng damdamin ng iba o upang mangaral.
3. Ito'y masigla, masaya, magpatawa.
4. Maliwanag na mababanaag ang magandang kalooban ng may akda.
5. Nagpapakilala ng malawak na kaalaman ng may akda ukol sa mga aklat, tao, kalikasan at iba't ibang mga bagay.

Mgsa Sangkap ng Sanaysay
1. Tema at Nilalaman – anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkasulat nito at kaisipang ibinahagi.
2. Anyo at Istruktura – ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa; ang maayos at lohikal na pagkasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.
3. Wika at Istilo – ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa; higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.

Mga Bahagi ng Sanaysay

1. Panimula – ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga mababasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda
2. Katawan – sa bahaging ito ng sanaysay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito nang maigi ng mambabasa
3. Wakas – nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay; sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay

Katangiang Dapat Taglay ng isang Mabuting Mananaysay

1. May malawak na kaalaman o karanasan sa paksa.
2. Nagagamit ang wika nang wasto at mabisa.
3. Nakapipili ng mabuti at mabisang istilo ng paglalahad ng ideya.
4. Malinaw at hindi madamot o matipid sa pagpapaliwanag ng kaisipan at kaalaman ukol sa paksa.
5. May kakayahang pumukaw o manghikayat ng mambabasa.


Elemento Ng Sanaysay

1. Tema at Nilalaman - anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sapagkakasulat nitoat kaisipang ibinahagi.
2. Anyo at Istruktura - ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos na pagkakasunud-sunod ng edeya o pangyayari ay makatututlong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.
3. Kaisipan - Mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema.
4. Wika at Istilo - ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa, higt na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.
5. Larawan ng Buhay - Nilalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may akda.
6. Damdamin - Naipapahayag ang isang magaling na may-akda ang kaniyang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan.
7. Himig - naipapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya, malungkot, mapanudyo at iba pa.

Mga Halimbawa ng Salawikain

Ano ang Salawikain?

Ang salawikain ay binubuo ng mga parirala sa anyong patula na karaniwang naghahayag ng mga gintong aral. Ang mga salawikain, kawikaan, kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Mga Halimbawa ng Salawikain (Tagalog Proverbs)

Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.
Paliwanag: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin ang magsikap at gumawa upang matamo ang minimithing biyaya

Pag kahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Paliwanag: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng isang magkasintahan, at sa kabila ng maaaring maging balakid sa kanilang pagmamahalan, sa bandang huli ay hahantong din sa kasalan ang kanilang samahan kung sila ay talagang nakalaan para sa isa't-isa.

Pag makitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.
Paliwanag: Tayo ay dapat mamuhay nang naaayon sa ating sariling kakayahan. Dapat magtipid at mamuhay ng payak kung eto lang ang kaya ng ating kabuhayan. Huwag nating tularan ang pamumuhay ng mga mas nakiririwasa sa atin.

Magandang pamintana, masamang pang kusina.
Paliwanag: Sa modernong panahon, maaaring ipakahulugan ito na “magandang idispley na siyota, pero tamad sa kitchen!” O kaya'y walang alam na gawaing bahay ang kasintahan o asawa, ngunit seksi o makisig pumorma.

Kadalasan, ang karikta'y ginagawang isang bitag upang siyang ipanghuli Noong ibig ipahamak.
Paliwanag: Totoo hangga ngayon, at ginagamit pa ring padron kahit sa telenobela, gaya ng Marimar. Ang pisikal na ganda ay malimit umanong pang-akit upang ibulid sa masama ang isang tao.

Ang puri at ang dangal, mahalaga kaysa buhay.
Paliwanag: Ang “dangal” at “puri” ay halos magkasingkahulugan at tumutukoy sa “honor” sa Ingles. Kaugnay ng “puri” ang “chastity,” “virginity,” at “respect” ngunit hindi limitado rito ang pakahulugan. Muli, ang dalisay na loob ang isa pang katangian ng kagandahan, at gagamitin kahit ng Katipunan.

Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.
Paliwanag: Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahas na hakbang na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan sa pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng 5-6, na nagiging dahilan upang siya ay mabaon sa utang at lalo pang maghirap.

Kahit saang gubat, ay mayroong ahas.
Paliwanag: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin.
Paliwanag: Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa kapuwa mo ay tutulungan ka rin nila.

Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
Paliwanag: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.

Kung hindi ukol, hindi bubukol.
Paliwanag: Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi talagang nakalaan para sa iyo.

Kung may isinuksok, may dudukutin.
Paliwanag: Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay may perang makukuha sa sariling ipon upang hindi na umasa sa tulong ng ibang tao.

Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.
Paliwanag: Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali. At kung sino pa ang nagkakaila ay siya pala ang may gawa o may sala.

Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan.
Paliwanag: Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal at sa mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawad ang mga pagkukulang ng sariling anak.

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
Paliwanag: Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marinig ng iba nang hindi mo nalalaman dahil may mga taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawa ng kuwento sa ibang tao.

Mga Halimbawa ng Salawikaing tungkol sa pakikisama, pakikipag-kaibigan at pakikipag-kapwa tao.

1. Puri sa harap, sa likod paglibak
2. Kaibigan kung meron, Kung wala'y sitsaron
3. Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan
4. Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya
5. Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila
6. Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan
7. Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa pare
8. Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo
9. Ang taong tamad, kadalasa'y salat
10. Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot
11. May pakpak ang balita, may tainga ang lupa
12. Sagana sa puri, dukha sa sarili

Mga Salawikain patungkol sa kabutihan, kabaitan, kagandahang asal, pagpapakumbaba at pag-ingat.
1. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula
2. Ang magandang asal ay kaban ng yaman
3. Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat
4. Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan
5. Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila
6. Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon
7. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula
8. Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising
9. Bago mo sikaping gumawa ng mabuti, kailangan mo munang igayak ang sarili
10. Ang lumalakad ng marahan, matinik man ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim

Mga Halimbawa ng salawikaing tungkol sa mga pangako at ka kawalan ng kaya.

1. Buhay-alamang, paglukso ay patay
2. Kasama sa gayak, di kasama sa lakad
3. Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak
4. Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili
5. Gaano man ang iyon lakas, daig ka ng munting lagnat
6. Ang maniwala sa sabi-sabi'y walang bait sa sarili
7. Mga salawikain patungkol sa pagkakaisa at pagtutulungan.
8. Anuman ang tibay ng piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-iisa
9. Kaya matibay ang walis, palibhasa'y nabibigkis
10. Ang mabigat gumagaan pag napagtutuwangan
11. Ang lakas ay daig ng paraan
12. Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang, tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran
13. Mga salawikain patungkol sa kagitingan at katapangan.
14. Ang lihim na katapangan ay siyang pakikinabangan
15. Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang tapan
16. Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buong-loob ay iilan
17. Ang bayaning masugatan, nag-iibayo ang tapang
18. Nawala ang ari, ngunit hindi ang lahi
19. Ang lalaking tunay na matapang, hindi natatakot sa pana-panaan
20.Kapag pinangatawanan, sapilitang makakamtan

Mga Halimbawa ng salawikaing tungkol sa pagtitiis

1. Hanggang maiksi ang kumot, magtiis na mamaluktot
2. Pag may hirap, may ginhawa
3. Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha
4. Pag may kalungkutan, may kasiyahan
5. Kung aakyat ka nga't mahuhulog naman, mabuting sa lupa'y mamulot na lamang
6. Pagkapawi ng ulap, lumilitaw ang liwanag
7. Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak
8. Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili
9. Gaano man ang iyon lakas, daig ka ng munting lagnat

Mga iba pang Salawikain

  1. Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa.
  2. Kapag ang tao'y matipid,maraming maililigpit.
  3. Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.
  4. Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.
  5. Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.
  6. Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
  7. Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.
  8. Ang gawa sa pagkabata,dala hanggang pagtanda.
  9. Pag di ukol, ay di bubukol.
  10. Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa.
  11. Daig ng maagap ang taong masipag.
  12. Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto'y iba ang kumain
  13. Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.
  14. Kung sino ang pumutak ay siyang nanganak.
  15. Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak.
  16. Matibay ang walis, palibhasa'y magkabigkis.
  17. Walang palayok na walang kasukat na tungtong.
  18. Sa taong walang takot, walang mataas na bakod.
  19. Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buo ang loob ay kulang.
  20. Kung ano ang puno, siya ang bunga.
  21. Kung walang tiyaga, walang nilaga.
  22. Kung may tinanim, may aanihin.
  23. Huli man daw at magaling, naihahabol din.
  24. Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
  25. Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.
  26. Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo.
  27. Kapag apaw na ang takalan, kailangan kalusan.
  28. Ang mabigat ay gumagaan, kung pinagtutulungan.
  29. Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.
  30. Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
  31. Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim.
  32. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang malangsang isda.
  33. Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw.
  34. Malaking puno, ngunit walang lilim.
  35. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
  36. Kunwaring matapang, bagkus duwag naman.
  37. Bago ka bumati ng sa ibang uling, uling mo muna ang iyong pahirin.
  38. Walang naninira sa bakal kundi sariling kalawang.
  39. Walang lumura sa langit na di sa kanyang mukha nagbalik.
  40. Di lahat ng kagalingan ay may dalang katamisan.
  41. Di lahat ng kapaitan ay tanda ng kasamaan.
  42. Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi.
  43. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
  44. Malakas ang bulong kaysa sigaw.
  45. Walang ligaya sa lupa na hindi dinilig ng luha.
  46. Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa kasaganaan.
  47. Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasamang maluat.
  48. Kung saan ang hilig duon mabubuwal.
  49. Yaong mapag-alinlangan, madalas mapagiwanan.
  50. Nakikita ang butas ng karayom, hindi nakikita ang butas ng palakol.
  51. Ang pili ng pili, natatapat sa bungi.
  52. Ano man ang gawa at dali-dali ay hindi iigi ang pagkakayari.
  53. Ang taong walang pilak ay parang ibong walang pakpak.
  54. Mainam na ang pipit na nasa kamay kaysa lawing lumilipad.
  55. Ang araw bago sumikat nakikita muna'y banaag.
  56. Walang mahirap na gawa pag dinaan sa tiyaga.
  57. Huwag kang magtiwala sa di mo kakilala.
  58. Nagpapakain ma't masama sa loob, ang pinakakain hindi nabubusog.
  59. Ang taong tamad, kadalasa'y salat
  60. Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot
  61. May pakpak ang balita, may tainga ang lupa
  62. Sagana sa puri, dukha sa sarili
  63. Ang paala-ala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot.
  64. Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari.
  65. Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.
  66. Batang puso madaling marahuyo.
  67. Tikatik man kung panay ang ulan, malalim mang ilog ay mapapaapaw.
  68. Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.
  69. Ubus-ubos biyaya, maya-maya ay nakatunganga.
  70. Kung binigyan ng buhay, bibigyan din ng ikabubuhay.
  71. Ang iyong kakainin, sa iyong pawis manggagaling.
  72. Buntot mo, hila mo.
  73. Kung nasaan ang asukal, naruon ang langgam.
  74. Walang mapait na tutong sa taong nagugutom.
  75. Lahat ng gubat ay may ahas.
  76. Ang anumang kasulatan dapat ay lalagdaan.
  77. Nasa taong matapat ang huling halakhak.
  78. Ang tunay na kaibigan karamay kailan man.
  79. Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa kagipitan.
  80. Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan.
  81. Turan mo ang iyong kaibigan, sasabihin ko kung sino ikaw.
  82. Ang tunay mong pagkatao, nakikilala sa gawa mo.
  83. Ang tao kapag mayaman marami ang kaibigan.
  84. Magkulang ka na sa magulang huwag lamang sa biyenan.
  85. Ang pag-aasawa ay hindi biro, ‘di tulad ng kanin iluluwa kung mapaso.
  86. Kung gaano kataas ang lipad gayon din ang lagapak pag bagsak.
  87. Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay.
  88. Kapag ang ilog ay matahimik, asahan mo at malalim.
  89. Kapag ang ilog ay maingay, asahan mo at mababaw.
  90. Ang langaw na dumapo sa kalabaw,
  91. mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.
  92. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita
  93. Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin.
  94. Huwag magbilang ng manok hangga’t hindi napipisa ang itlog.
  95. Kung sino ang unang pumutak, siya ang nanganak.
  96. Magkupkop ka ng kaawa-awa, langit ang iyong gantimpala.
  97. Ang mabuting gawa kinalulugdan ng madla.
  98. Kapag bukas ang kaban, nagkakasala sinuman.
  99. Ang butong tinangay ng aso, walang salang nalawayan ito.
  100. Ang utang ay utang, hindi dapat kalimutan.
  101. Ang iyong hiniram, isauli o palitan.
  102. Upang sa susunod, hindi ka makadalaan.
  103. Ang bungang hinog sa sanga matamis ang lasa.
  104. Ang bungang hinog sa pilit kung kainin ay mapait.
  105. Walang humawak ng lutuan na hindi naulingan.
  106. Gawin mo sa kapuwa mo. Ang nais mong gawin niya sa iyo.
  107. Ang sakit ng kalingkingan damdamin ng buong katawan.
  108. Ang mabigat ay gumagaan kapag pinagtulung-tulungan.
  109. Madaling pumitas ng bunga,kung dadaan ka sa sanga.
  110. Ibong sa hawla’y ikinulong nang mahigpit, kapag nakawala’y hindi na babalik.
  111. Kahoy mang babad sa tubig sa apoy huwag ilapit ‘pag ito’y nadarang sa init, sapilitang magdirikit.
  112. Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang matapang.
  113. Kung may hirap ay may ginhawa.
  114. Ang pag-ilag sa kaaway ang tunay na katapangan.
  115. Ano man ang tibay ng piling abaka ay wala ring silbi kapag nag-iisa.
  116. Ang taong mainggitin, lumigaya man ay sawi rin.
  117. Walang matiyagang lalake sa pihikang babae.
  118. Kung takot sa ahas, iwasan mo ang gubat.
  119. Matutuyo na ang sapa nguni’t hindi ang balita.
  120. Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.
  121. Aanhin mo ang palasyo, kung ang nakatira ay kuwago mabuti pa ang bahay kubo, ang nakatira ay tao.
  122. Kung pukulin ka ng bato, tinapay ang iganti mo.
  123. Balat man at malinamnam, hindi mo matitikman.
  124. Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.
  125. Batang puso, madaling marahuyo.
  126. Kung saan nahihilig, duon din nabubuwal.
  127. Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.
  128. Ang bulsang laging mapagbigay, hindi nawawalan ng laman.
  129. Ubus-ubos biyaya, maya-maya ay nakatunganga.
  130. Kung ano ang sukat ng ohales iyon ding ang laki ng butones.
  131. Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.
  132. Kung binigyan ng buhay, bibigyan din ng ikabubuhay.
  133. Ang iyong kakainin, sa iyong pawis manggagaling.
  134. Kung nasaan ang asukal, naruon ang langgam.
  135. Walang mapait na tutong, sa taong nagugutom.
  136. Ang tunay na kaibigan, karamay kailan man.
  137. Ang tao kapag mayaman, marami ang kaibigan.
  138. Kapag may isinuksok, may madudukot.
  139. Magkulang ka na sa magulang, huwang lamang sa biyenan.
  140. Nakikita ang butas ng karayon, hindi makita ang butas ng palakol.
  141. Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay.
  142. Ang lumalakad nang mabagal, kung matinik ay mababaw.
  143. Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim.
  144. Ang langaw na dumapo sa kalabaw, mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.
  145. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
  146. Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin.
  147. Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
  148. Pili nang pili, natapatan din ay bungi.
  149. Huwag magbilang ng manok, hangga't hindi napipisa ang itlog.
  150. Kung sino ang unang pumutak, siya ang nanganak.
  151. Magkupkop ka ng kaawa-awa, langit ang iyong gantimpala.
  152. Kapag bukas ang kaban, nagkakasala sinuman.
  153. Ang bungang hinog sa pilit, kung kainin ay mapait.
  154. Walang humawak ng lutuan, na hindi naulingan.
  155. Sala sa lamig, sala sa init.
  156. Ang sakit ng kalingkingan, damdamin ng buong katawan.
  157. Ang mabigat ay gumagaan, kapag pinagtulung-tulungan.
  158. Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang matapang.
  159. Ang pag-ilag sa kaaway, ang tunay na katapangan.
  160. Ano man ang tibay ng piling abaka, ay wala ring silbi kapag nag-iisa.
  161. Ang taong mainggitin, lumigaya man ay sawi rin.
  162. Sa taong may tunay na hiya, ang salita ay panunumpa.
  163. Walang matiyagang lalake, sa pihikang babae.
  164. Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.
  165. Ang puri at ang dangal, mahalaga kaysa buhay.
  166. Mabuti't masamang ginto Sa urian natatanto.
  167. Sa maliliit na dampâ nagmumula ang dakila.
  168. Ang bayaning masugatan nag-iibayo ang tapang.
  169. Kapag apaw na ang takalan, kailangan kalusan.
  170. Ang isip ay parang itak, Sa hasa tumatalas.
  171. Kuwarta na, naging bato pa.
  172. Bibig na natatakpan, hindi papasukin ng langaw
  173. Kung anong bukang-bibig ay siyang nilalaman ng dibdib.

Author Name

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.