Do you have something to say?

Post Comments

Mga Antas ng Wika

Mga Antas ng Wika

1. formal at di-formal – di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad samantalang formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda

2. lingua franca – wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao

3. lalawiganin – mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan

4. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/ para sa 'tara na', /pre/ para sa 'pare'

5. balbal o pangkalye – wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla – halimbawa ang mga salitang ‘eklavush’, ‘erpat at ermat’ at ‘cheverloo’.

6. edukado/malalim – wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa gobyerno, sa korte at iba pang venyung profesyunal
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.

Pormal - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami.

Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila
para sa paaralan at pamahalaan

Halimbawa:
Asawa, Anak, Tahanan

Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat.
Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.

Halimbawa:
Kahati sa buhay
Bunga ng pag-ibig
Pusod ng pagmamahalan

Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.

Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto.

Halimbawa:
Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)

Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti,
maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa,
dalawa o higit pang titik sa salita.

Halimbawa:
Nasan, pa`no,sa’kin,kelan
Meron ka bang dala?

Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas
na ito; ikalawa sa antas bulgar.

Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)

Karaniwang paraan ng pagbuo ng salitang balbal:

1. Paghango sa mga salitang katutubo
Halimbawa:
Gurang (matanda)
Bayot (bakla)
Barat (kuripot)

2. Panghihiram sa mga wikang banyaga
Halimbawa:
Epek (effect)
Futbol (naalis, natalsik)
Tong (wheels)

3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog
Halimbawa:
Buwaya (crocodiles – greedy)
Bata (child – girlfriend)
Durog (powdered – high in addiction)
Papa (father – lover)

4. Pagpapaikli
Halimbawa:
Pakialam – paki
Tiyak – tyak

5. Pagbabaliktad

Buong Salita
Halimbawa:
Etned – bente
Kita – atik

Papantig
Halimbawa:
Dehin – hindi
Ngetpa – Panget
Tipar – Parti

6. Paggamit ng Akronim
Halimbawa:
G – get, nauunawaan
US – under de saya

7. Pagpapalit ng Pantig
Halimbawa:
Lagpak – Palpak – Bigo
Torpe – Tyope – torpe, naduwag

8. Paghahalo ng salita
Halimbawa:
Bow na lang ng bow
Mag-jr (joy riding)
Mag-gimik
Mag-MU

9. Paggamit ng Bilang
Halimbawa:
45 – pumutok
1433 – I love you too
50-50 – naghihingalo

10. Pagdaragdag
Halimbawa:

Puti – isputing
Kulang – kulongbisi

11. Kumbinasyon
Pagbabaligtad at Pagdaragdag
Halimbawa:
Hiya – Yahi – Dyahi

Pagpapaikli at pag-Pilipino
Halimbawa:
Pino – Pinoy
Mestiso – Tiso, Tisoy

Pagpapaikli at Pagbabaligtad
Halimbawa:
Pantalon – Talon – Lonta
Sigarilyo – Siyo – Yosi

Panghihiram at Pagpapaikli
Halimbawa:
Security – Sikyo
Brain Damage – Brenda

Panghihiram at Pagdaragdag
Halimbawa:
Get – Gets/Getsing
Cry – Crayola

Basahin ang mga antas ng wika. Ano-ano nga ba ang iba't ibang antas ng wika? 1. formal at di-formal – di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad samantalang formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda 2. lingua franca – wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao 3. lalawiganin – mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan 4. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/ para sa 'tara na', /pre/ para sa 'pare' 5. balbal o pangkalye – wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla – halimbawa ang mga salitang ‘eklavush’, ‘erpat at ermat’ at ‘cheverloo’. 6. edukado/malalim – wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa gobyerno, sa korte at iba pang venyung profesyunal Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan. Pormal - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami. Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining. Halimbawa: Kahati sa buhay Bunga ng pag-ibig Pusod ng pagmamahalan Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan. Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto. Halimbawa: Papanaw ka na ? (Aalis ka na?) Nakain ka na? (Kumain ka na?) Buang! (Baliw!) Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita. Halimbawa: Nasan, pa`no,sa’kin,kelan Meron ka bang dala? Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar. Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa) Orange (beinte pesos) Pinoy (Pilipino) Karaniwang paraan ng pagbuo ng salitang balbal: 1. Paghango sa mga salitang katutubo Halimbawa: Gurang (matanda) Bayot (bakla) Barat (kuripot) 2. Panghihiram sa mga wikang banyaga Halimbawa: Epek (effect) Futbol (naalis, natalsik) Tong (wheels) 3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog Halimbawa: Buwaya (crocodiles – greedy) Bata (child – girlfriend) Durog (powdered – high in addiction) Papa (father – lover) 4. Pagpapaikli Halimbawa: Pakialam – paki Tiyak – tyak 5. Pagbabaliktad Buong Salita Halimbawa: Etned – bente Kita – atik Papantig Halimbawa: Dehin – hindi Ngetpa – Panget Tipar – Parti 6. Paggamit ng Akronim Halimbawa: G – get, nauunawaan US – under de saya 7. Pagpapalit ng Pantig Halimbawa: Lagpak – Palpak – Bigo Torpe – Tyope – torpe, naduwag 8. Paghahalo ng salita Halimbawa: Bow na lang ng bow Mag-jr (joy riding) Mag-gimik Mag-MU 9. Paggamit ng Bilang Halimbawa: 45 – pumutok 1433 – I love you too 50-50 – naghihingalo 10. Pagdaragdag Halimbawa: Puti – isputing Kulang – kulongbisi 11. Kumbinasyon Pagbabaligtad at Pagdaragdag Halimbawa: Hiya – Yahi – Dyahi Pagpapaikli at pag-Pilipino Halimbawa: Pino – Pinoy Mestiso – Tiso, Tisoy Pagpapaikli at Pagbabaligtad Halimbawa: Pantalon – Talon – Lonta Sigarilyo – Siyo – Yosi Panghihiram at Pagpapaikli Halimbawa: Security – Sikyo Brain Damage – Brenda Panghihiram at Pagdaragdag Halimbawa: Get – Gets/Getsing Cry – Crayola

Categories:

Post a Comment

[blogger]

Author Name

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.