--> Wastong Gamit ng Malalaking Titik at Bilang - NON-STOP TEACHING
Home Filipino

Wastong Gamit ng Malalaking Titik at Bilang

Wastong Gamit ng Malalaking Titik at Bilang

Gamit ng Malaking Titik

Paggamit ng Malaking Titik
1. Sa unang titik ng unang salita sa pangungusap, siniping pahayag at taludtod ng tula.
2. Sa mga dinaglat na pangalan ng tao, ng mga ahensiya, ng pamahalaan, pamantasan,
kapisanan.
3. Sa mga pamagat ng aklat, magasin, pahayagan.
4. Sa unang mga titik ng pangalan ng bansa, lungsod, lalawigan, bayan, baryo, daan, at iba
pang pook.
5. Sa lahat ng mahalagang salita, pamagat ng kuwento, nobela, awit, at iba pa.
6. Sa lahat ng mga tawag ng Diyos gaya ng Bathala, Panginoon, Maykapal, Poon, Lumikha
at iba pa.
7. Sa mga direksyong palatandaan ng pagkakahating politikal o pangheograpiya gaya ng
Hilaga, Timog, Silangan, Kanluran, Timog-Silangan, Asya-Luzon, at iba pa.
8. Sa titulo ng tao, kapag kasama pangalan gaya ng Pangulo, Kinatawan, Gobernador,
Doktor, Inhenyero.
9. Sa mga asignaturang pampaaralan; Filipino, Ingles, Matematika, Biyolohiya, Kasaysayan
at iba pa.
10. Sa mga buwan at araw; Enero, Pebrero, Marso, Linggo, Martes, at iba pa.

Gamit ng Bilang

Paggamit ng Bilang

Ginagamit ang mga tambilang (figures) sa:
1. Mga halimbawa ng higit sa dalawang salita; petsa, oras, direksyon, bahagdan, at telepono.
a. Sa ika-20 ng Marso ang alis ng kanyang ina.
b. Nakatira siya sa 146 Leon Guinto St. Malate, Manila.
c. Ganap na ika-8:00 ng gabi ang simula ng palatuntunan.
d. Ang bilang ng aming telepono ay 341-51-25.
e. Ang tubo ng utang niya ay umabot na sa 10% bawat buwan.

2. Huwag sisimulan ang pangungusap sa tambilang. Titik ang dapat gamitin.
a. Dalawampung panauhin ang inaasahang darating.
b. Isandaang tao ang inaasahang dadalo sa pulong.

3. Ang bilang ng 1-10 ay isinusulat sa titik kung ginagamit sa pangungusap at ang labing-isa pataas ay tambilang ang ginagamit.
a. Ako ay may alagang pitong ibon.
b. Si Ana ay nagpadala ng 15 sakong bigas.

You may also like:


No comments:

Post a Comment

to Top