Ang Sawikain at ang mga Halimbawa Nito

Ano ang Sawikain? Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Mga Halimbawa ng Sawikain Ano ang ibig sabihin ng salitang... 1. Butas ang bulsa - walang pera Halimbawa: Palagi nalang butas ang bulsa mo dahil palagi ka nagsusugal. 2. Ilaw ng tahanan – ina Halimbawa: Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa pagluluto. 3. Alog na ng baba - tanda na Halimbawa: Alog na ng baba na kayo para magbuhat ng mabigat. 4. Alimuom – mabaho Halimbawa: Alimuom niyo naman po. 5. Bahag ang buntot – duwag Halimbawa: Bakit ba bahag ang buntot mo? 6. Ikurus sa noo – tandaan Halimbawa: Ikurus sa noo mo na akong bahala sa iyo. 7. Bukas ang palad – matulungin Halimbawa: Napakabukas ang palad mo. 8. Kapilas ng buhay – asawa Halimbawa: Ang aking ina ay may kapilas ng buhay. 9. Nagbibilang ng poste - walang trabaho Halimbawa: Bakit siya ay nagbibilang ng poste? 10. Basag ang pula - luko-luko Halimbawa: Napaka basag ang pula mo . 11. Ibaon sa hukay – kalimutan Halimbawa: Huwag mo ako ibaon sa hukay. 12. Ahas - taksil; traidor Halimbawa: Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas. 13. Anak-dalita - mahirap Halimbawa: Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita. 14. Alilang-kanin - utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo. Halimbawa: "Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang." 15. Balitang-kutsero - balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan. Halimbawa: Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero. 16. Balik-harap - mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran. Halimbawa: Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan. 17. Bantay-salakay - taong nagbabait-baitan Halimbawa: Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay. 18. Basa ang papel - bistado na Halimbawa: Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si Ginang Matutina. 19. Buwaya sa katihan - ususera, nagpapautang na malaki ang tubo Halimbawa: Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo? 20. Bukal sa loob - taos puso tapat Halimbawa: Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan. 21. Busilak ang puso - malinis ang kalooban Halimbawa: Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at binigyan ng medalya ng pamunuan ng Cebu. 22. Di madapuang langaw - maganda ang bihis Halimbawa: Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo. 23. Di makabasag-pinggan - mahinhin Halimbawa: Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si Nena. 24. Hampaslupa - lagalag, busabos Halimbawa: Lagi kang laman ng lansangan, para kang hampaslupa. 25. Isang kahig, isangtuka - kakarampot na kita na hindi makasapat sa ibang pangangailangan Halimbawa: Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng buhay. 26. Itaga sa bato - tandaan Halimbawa: Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa,gaano man kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato. 27. Itim na tupa - masamang anak Halimbawa: Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang nagiging itim na tupa. 28. Kalapating mababa ang lipad - babaing nagbibili ng aliw, babaing puta Halimbawa: Maraming kalapating mababa ang lipad ang nakatayo sa gilid ng sinehan ng Odeon sa Sta. Cruz, Manila. 29. Kakaning-itik - walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan Halimbawa: Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. Tumanda na sa pagtratrabahoang anak ni Mang Julio ngunit kakaning-itik pa rin ang kinikita. 30. Pagputi ng uwak - walang maaasahan, walang kahihinatnan Halimbawa: Singil ka ng singil kay Aling Greta. Babayaran ka niyan pagputi ng uwak. 31. Pagiisang dibdib - kasal Halimbawa: Ang pag-iisang dibdib nina Adila at Conrado ay gaganapin sa Oktubre 18 sa darating na taon. 32. Pusong-bakal - hindi marunong magpatawad Halimbawa: Ganyan ba ang sinasabi ninyong relihiyosa at maawain gayong may pusong-bakal naman at mapagtanim ng galit sa kapwa? 33. Tinik sa lalamunan - hadlang sa layunin Halimbawa: Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhinna lagi nang nakaayon sa kalabang pulitiko. 34. Tulak ng bibig - salita lamang, di tunay sa loob Halimbawa: Huwag mong asahan ang pangakong binitawan ng kongresman... iyun ay tulak ng bibig lamang, alam mo naman ang mga pulitiko. 35. Maamong kordero - mabait na tao Halimbawa: Ang anak ni Aling Agnes ay tila maamong kordero kaya laging pinupuri ng kanyang guro. 36. Mahangin ang ulo - mayabang Halimbawa: Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging mahangin ang ulo ng mga anak nitong lalaki. 37. Matalas ang ulo - matalino Halimbawa: Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may karangalan Valedictorian at Magnacum Laude. 38. Mahina ang loob - duwag Halimbawa: Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan upang hindi manganib ang buhay. 39. Malakas ang loob - matapang Halimbawa: Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng apat na holdaper sa loob ng pampasaherong dyip. 40. Makapal ang bulsa - mapera Halimbawa: Kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni Renan kaya hindi nakapagtataka kung si Renan ay laging makapal ang bulsa. 41. Makapal ang palad - masipag Halimbawa: Makapal ang palad ni Eduardo kaya umunlad ang kanyang buhay. Isa na siyang milyonaryo. 42. Magdilang-anghel - magkatotoo sana Halimbawa: Hinahangad mong sana'y magwagi ako ng unang gantimpala, magdilang-anghel ka sana. 43. Kapit-tuko - mahigpit ang hawak Halimbawa: Kapit-tuko ang secretarya sa kanyang posisyon kahit na nalulugi ang kompanya at malapit ng magsara. 44. Kidlat sa bilis - napakabilis Halimbawa: Ang action star na si Cesar Montano ay kidlat sa bilis kung ang pinag-uusapan ay ang nga ginagawa niyang action movies. 45. Kilos-pagong - makupad,mabagal Halimbawa: Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi. 46. Mababaw ang luha - iyakin Halimbawa: Masyadong mababaw ang luha ng aking kaibigan, kahit drama sa radyo o pelikula ay iniiyakan. 47. Mabigat ang dugo - di-makagiliwan Halimbawa: Aywan ko kung bakit mabigat ang dugo ng Lady Boss namin sa baguhang si Norma na isang probinsiyana. 48. Maitim ang budhi - tuso, masama ang ugali Halimbawa: Maitim ang budhi ng lalaking iyan kung kaya't labas-masok sa bilibid sa loob ng sampung taon. 49.Malikot ang kamay - kumukuha ng hindi kanya kawatan Halimbawa: Mag-ingat kayo sa lalaking iyan na kilalang malikot ang kamay. Mahirap na ang magsisi sa bandang huli. 50. Malawak ang isip - madaling umunawa, maraming nalalaman Halimbawa: Malaking karangalan ang makausap ang taong malawak ang isip. Marami kang matututunan, marami kang malalaman.

Ang Sawikain at ang mga Halimbawa Nito

Ano ang Sawikain?

Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar. Ito'y ay nagbibigay ng di tuwirang kahulugan.

Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa:
1. Idyoma - isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.
2. Moto - parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.
3. Salawikain - mga kasabihan o kawikaan.

Mga Halimbawa ng Sawikain

Ano ang ibig sabihin ng salitang...

1. Butas ang bulsa - walang pera
Halimbawa:
Palagi nalang butas ang bulsa mo dahil palagi ka nagsusugal.

2. Ilaw ng tahanan – ina
Halimbawa:
Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa pagluluto.

3. Alog na ng baba - tanda na
Halimbawa:
Alog na ng baba na kayo para magbuhat ng mabigat.

4. Alimuom – mabaho
Halimbawa:
Alimuom niyo naman po.

5. Bahag ang buntot – duwag
Halimbawa:
Bakit ba bahag ang buntot mo?

6. Ikurus sa noo – tandaan
Halimbawa:
Ikurus sa noo mo na akong bahala sa iyo.

7. Bukas ang palad – matulungin
Halimbawa:
Napakabukas ang palad mo.

8. Kapilas ng buhay – asawa
Halimbawa:
Ang aking ina ay may kapilas ng buhay.

9. Nagbibilang ng poste - walang trabaho
Halimbawa:
Bakit siya ay nagbibilang ng poste?

10. Basag ang pula - luko-luko
Halimbawa:
Napaka basag ang pula mo .

11. Ibaon sa hukay – kalimutan
Halimbawa:
Huwag mo ako ibaon sa hukay.

12. Ahas - taksil; traidor
Halimbawa:
Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas.

13. Anak-dalita - mahirap
Halimbawa:
Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.

14. Alilang-kanin - utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa:
"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang."

15. Balitang-kutsero - balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.
Halimbawa:
Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero.

16. Balik-harap - mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.
Halimbawa:
Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan.

17. Bantay-salakay - taong nagbabait-baitan
Halimbawa:
Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.

18. Basa ang papel - bistado na
Halimbawa:
Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si Ginang Matutina.

19. Buwaya sa katihan - ususera, nagpapautang na malaki ang tubo
Halimbawa:
Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo?

20. Bukal sa loob - taos puso tapat
Halimbawa:
Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan.

21. Busilak ang puso - malinis ang kalooban
Halimbawa:
Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at binigyan ng medalya ng pamunuan ng Cebu.

22. Di madapuang langaw - maganda ang bihis
Halimbawa:
Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo.

23. Di makabasag-pinggan - mahinhin
Halimbawa:
Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si Nena.

24. Hampaslupa - lagalag, busabos
Halimbawa:
Lagi kang laman ng lansangan, para kang hampaslupa.

25. Isang kahig, isangtuka - kakarampot na kita na hindi makasapat sa ibang pangangailangan
Halimbawa:
Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng buhay.

26. Itaga sa bato - tandaan
Halimbawa:
Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa,gaano man kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.

27. Itim na tupa - masamang anak
Halimbawa:
Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang nagiging itim na tupa.

28. Kalapating mababa ang lipad - babaing nagbibili ng aliw, babaing puta
Halimbawa:
Maraming kalapating mababa ang lipad ang nakatayo sa gilid ng sinehan ng Odeon sa Sta. Cruz, Manila.

29. Kakaning-itik - walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan
Halimbawa:
Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. Tumanda na sa pagtratrabahoang anak ni Mang Julio ngunit kakaning-itik pa rin ang kinikita.

30. Pagputi ng uwak - walang maaasahan, walang kahihinatnan
Halimbawa:
Singil ka ng singil kay Aling Greta. Babayaran ka niyan pagputi ng uwak.

31. Pagiisang dibdib - kasal
Halimbawa:
Ang pag-iisang dibdib nina Adila at Conrado ay gaganapin sa Oktubre 18 sa darating na taon.

32. Pusong-bakal - hindi marunong magpatawad
Halimbawa:
Ganyan ba ang sinasabi ninyong relihiyosa at maawain gayong may pusong-bakal naman at mapagtanim ng galit sa kapwa?

33. Tinik sa lalamunan - hadlang sa layunin
Halimbawa:
Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhinna lagi nang nakaayon sa kalabang pulitiko.

34. Tulak ng bibig - salita lamang, di tunay sa loob
Halimbawa:
Huwag mong asahan ang pangakong binitawan ng kongresman... iyun ay tulak ng bibig lamang, alam mo naman ang mga pulitiko.

35. Maamong kordero - mabait na tao
Halimbawa:
Ang anak ni Aling Agnes ay tila maamong kordero kaya laging pinupuri ng kanyang guro.

36. Mahangin ang ulo - mayabang
Halimbawa:
Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging mahangin ang ulo ng mga anak nitong lalaki.

37. Matalas ang ulo - matalino
Halimbawa:
Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may karangalan Valedictorian at Magnacum Laude.

38. Mahina ang loob - duwag
Halimbawa:
Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan upang hindi manganib ang buhay.

39. Malakas ang loob - matapang
Halimbawa:
Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng apat na holdaper sa loob ng pampasaherong dyip.

40. Makapal ang bulsa - mapera
Halimbawa:
Kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni Renan kaya hindi nakapagtataka kung si Renan ay laging makapal ang bulsa.

41. Makapal ang palad - masipag
Halimbawa:
Makapal ang palad ni Eduardo kaya umunlad ang kanyang buhay. Isa na siyang milyonaryo.

42. Magdilang-anghel - magkatotoo sana
Halimbawa:
Hinahangad mong sana'y magwagi ako ng unang gantimpala, magdilang-anghel ka sana.

43. Kapit-tuko - mahigpit ang hawak
Halimbawa:
Kapit-tuko ang secretarya sa kanyang posisyon kahit na nalulugi ang kompanya at malapit ng magsara.

44. Kidlat sa bilis - napakabilis
Halimbawa:
Ang action star na si Cesar Montano ay kidlat sa bilis kung ang pinag-uusapan ay ang nga ginagawa niyang action movies.

45. Kilos-pagong - makupad,mabagal
Halimbawa:
Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi.

46. Mababaw ang luha - iyakin
Halimbawa:
Masyadong mababaw ang luha ng aking kaibigan, kahit drama sa radyo o pelikula ay iniiyakan.

47. Mabigat ang dugo - di-makagiliwan
Halimbawa:
Aywan ko kung bakit mabigat ang dugo ng Lady Boss namin sa baguhang si Norma na isang probinsiyana.

48. Maitim ang budhi - tuso, masama ang ugali
Halimbawa:
Maitim ang budhi ng lalaking iyan kung kaya't labas-masok sa bilibid sa loob ng sampung taon.

49.Malikot ang kamay - kumukuha ng hindi kanya kawatan
Halimbawa:
Mag-ingat kayo sa lalaking iyan na kilalang malikot ang kamay. Mahirap na ang magsisi sa bandang huli.

50. Malawak ang isip - madaling umunawa, maraming nalalaman
Halimbawa:
Malaking karangalan ang makausap ang taong malawak ang isip. Marami kang matututunan, marami kang malalaman.

Labels:
Was this helpful?

Post a Comment

[blogger]

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget