Ang Tanaga at ang mga Halimbawa Nito

Ano ang Tanaga? Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. Mga Halimbawa ng Tanaga Anay Reynang nakahilata, Alipi'y nangaypapa, Lumawit man ang dila, Sundalo'y tatalima. Kamote Itinanim na binhi, Lumaki at ngumiti, Nang hukayi't tagbisi, Kasinlaki ng binti. Isip-Kolonyal Ang anyo mo ay sipi, Nalimot na ang lahi. Sa dayuha'y natali, Sarili'y inaglahi. Aso Mataas sa pag-upo, Mababa 'pag tumayo. Kaibigan kong ginto, Karamay at kalaro. Makopa Kampanilya ni Kaka, Kulay rosas ang mukha. Piping tunog ang ngawa, Makatas 'pag nginuya. Pusa Matanda na ang nuno, Hindi pa naliligo. Sa tubig nagtatago, Tinik ang sinusuyo. Sandok Tangkay itong kakaiba, Ang dahon ay nag-iisa. Walang ugat, walang sanga, Kasa-kasama ni Ina. Makahiya Nahihiya ang dalaga, Mukha'y ayaw ipakita. Nagtatago sa balana, Sa hipo ay umaalma. Hapunan Iniluto sa tahuri Ang isdang napakalaki Inihain isang gabi Kasabay ng kanin pati. Bulaklak sa Kasal Makulay ang ramilyete, Tangan-tangan ng babae. Sa kasal ay importante, Daig pa ang diyamante. Kasuy Amoy nito ay mabango, Kung mamasda'y malilito, Ang nakalabas ay buto, Na para bang nagtatampo Kawayan Naaayon sa kuwento, Nilalang ay galing dito, Walang pinto, puro kwarto, Doble sarado-kandado. Kaibigan Ang katoto kapag tunay hindi ngiti ang pang-alay kundi isang katapatan ng mataus na pagdamay. Kabibi Kabibi, ano ka ba? May perlas, maganda ka; Kung idiit sa taynga, Nagbubunitunghininga! Palay Palay siyang matino, Nang humangi’y yumuko; Nguni’t muling tumayo Nagkabunga ng ginto Tag-init Alipatong lumapag Sa lupa — nagkabitak, Sa kahoy nalugayak, Sa puso — naglagablab! Pag-ibig Wala iyan sa pabalat at sa puso nakatatak, nadarama’t nalalasap ang pag-ibig na matapat. Sanggol Pag ang sanggol ay ngumiti nawawala ang pighati, pag kalong mo’y sumisidhi ang pangarap na punyagi. Pananampalataya Ang taong bukas-pala Ay madaling umunlad Kamay ay nakalahad Sa biyaya N'yang gawad. Kalikasan Sa tikatik na ambon Umaawit ang dahon, Sumisilong ang ibon, Sumasayaw ang alon. Bayan 'Pag palasyo'y pinasok Ng buwayang niluklok Sistema'y mabubulok Baya'y maghihimutok. Nagbibigay aral Mag-ipon sa'yong gusi Nang ika'y may mahasi. Pagdating ng tagbisi* ay 'di ka magsisisi. Kurakot Inumit na salapi Walang makapagsabi Kahit na piping saksi Naitago na kasi. Mataas Pa Itong dumapong langaw Sa tuktok ng kalabaw Ay tiyak masisilaw, Sa sikat na tinanaw. Sipag Magsikhay ng mabuti Sa araw man o gabi Hindi mamumulubi Magbubuhay na hari. Slow Hindi ko rin malaman, Hindi maunawaan Mapurol kong isipan, Isalang sa hasaan. Tunay Na Yaman Ako ay Filipino Kulay tanso ng mundo Ngunit tunay kong ginto Nasa aking sentido. Pipi Puso ko’y sumisigaw May bulong na mababaw, Hindi naman lumitaw Tinig ko’t alingawngaw! Filipino Tagalog ang wika ko Hindi sikat sa mundo Ngunit lantay at wasto At dakilang totoo. Ikaw Lang Dasal ko sa Bathala Sana’y makapiling ka Sa luha ko at dusa Ikaw ang aking sigla. Paslit Maraming mga bagay, Na sadyang lumalatay, Isip ko’y walang malay, Sa hiwaga ng buhay? Tanaga Ang tanaga na tula Ay sining at kultura Tatak ng ating bansa Hanggang wakas ng lupa. Alon Mistula walang alat kung humalik ang dagat sa pampang. Kung yumakap ay mahigpit, banayad. Ulan Nabilanggo sa ulap, ang tubig ay lumayas mulang kulungang bulak ng langit. Nagsitakas! Dagat Sa bughaw nitong pusod, naroon ang nalunod na alaala. Sugod sa lalim ng paglimot! Buwan Mata ng gabi, bakit mo pa ba sinisilip kaming nananaginip? Di ka ba nangangawit? Sulyap Patunay ng pagtingin ang iyong tingin: Bangin ang matang mapang-angkin. Mahulog nang palihim. Bulong Malumanay ang tawid ng salitang sinambit sa tenga. Iyong bibig: bukal ng aking kilig. Ambon Dampi ng langit, haplos ng tubig sa alabok ng alaalang tuyot -- pinapawi ang kirot. Alaala Umaalon sa isip, kahapong iniihip ng simoy ng pagkapit. Sakit, nanunumbalik. Gayuma Tahak ng tingin, tulak ng sulyap, yakap, lapat ng titig sa balikat, hatak pa, kindat, hatak. Dalisay Pinong puso, sa isip nagkikimkim: Ang nais ay dungis. Hindi linis, kundi putik sa kinis! Wagas Walang kaso ang piyok sa harana, ang pusok sa kanta. Mas marupok ang puro: Nabubulok. Unang Halik Lumanay ng talulot: Bukadkad ang pag-irog na marahang humagod sa labing di malimot. Pusok Kumpas ng kilig, kabig ng bibig ang manalig, ligalig. Sa gilagid, ang dila, kumakahig.

Ang Tanaga at ang mga Halimbawa Nito

Ano ang Tanaga?

Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. Binubuo ito ng apat na taludtod, at bawat taludtod ay may pitong pantig. May tugmang isahan (aaaa) ang sinaunang anyo nito, ngunit pinasukan ng eksperimentasyon ng mga makata sa paglipas ng panahon. Kabilang sa mga pagbabago ang pagpapasok ng tugmaang inipitan (abba), salitan (abab), at sunuran (aabb).
Ilan sa mga katangian ng tanaga ang masining na pagkasangkapan sa talinghaga (metaphor), ang pagtitimpla ng mga imahen, ang pagpapaindayog ng tunog ng mga salita, at ang banayad na pagpapahiwatig mula sa inilalarawan, inihahambing, o inilalahad na bagay, pangyayari, o tagpo.

Mga Halimbawa ng Tanaga


Anay
Reynang nakahilata,
Alipi'y nangaypapa,
Lumawit man ang dila,
Sundalo'y tatalima.

Kamote
Itinanim na binhi,
Lumaki at ngumiti,
Nang hukayi't tagbisi,
Kasinlaki ng binti.

Isip-Kolonyal
Ang anyo mo ay sipi,
Nalimot na ang lahi.
Sa dayuha'y natali,
Sarili'y inaglahi.

Aso
Mataas sa pag-upo,
Mababa 'pag tumayo.
Kaibigan kong ginto,
Karamay at kalaro.

Makopa
Kampanilya ni Kaka,
Kulay rosas ang mukha.
Piping tunog ang ngawa,
Makatas 'pag nginuya.

Pusa
Matanda na ang nuno,
Hindi pa naliligo.
Sa tubig nagtatago,
Tinik ang sinusuyo.

Sandok
Tangkay itong kakaiba,
Ang dahon ay nag-iisa.
Walang ugat, walang sanga,
Kasa-kasama ni Ina.

Makahiya
Nahihiya ang dalaga,
Mukha'y ayaw ipakita.
Nagtatago sa balana,
Sa hipo ay umaalma.

Hapunan
Iniluto sa tahuri
Ang isdang napakalaki
Inihain isang gabi
Kasabay ng kanin pati.

Bulaklak sa Kasal
Makulay ang ramilyete,
Tangan-tangan ng babae.
Sa kasal ay importante,
Daig pa ang diyamante.

Kasuy
Amoy nito ay mabango,
Kung mamasda'y malilito,
Ang nakalabas ay buto,
Na para bang nagtatampo

Kawayan
Naaayon sa kuwento,
Nilalang ay galing dito,
Walang pinto, puro kwarto,
Doble sarado-kandado.

Kaibigan
Ang katoto kapag tunay
hindi ngiti ang pang-alay
kundi isang katapatan
ng mataus na pagdamay.

Kabibi
Kabibi, ano ka ba?
May perlas, maganda ka;
Kung idiit sa taynga,
Nagbubunitunghininga!

Palay
Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko;
Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto

Tag-init
Alipatong lumapag
Sa lupa — nagkabitak,
Sa kahoy nalugayak,
Sa puso — naglagablab!

Pag-ibig
Wala iyan sa pabalat
at sa puso nakatatak,
nadarama’t nalalasap
ang pag-ibig na matapat.

Sanggol
Pag ang sanggol ay ngumiti
nawawala ang pighati,
pag kalong mo’y sumisidhi
ang pangarap na punyagi.

Pananampalataya
Ang taong bukas-pala
Ay madaling umunlad
Kamay ay nakalahad
Sa biyaya N'yang gawad.

Kalikasan
Sa tikatik na ambon
Umaawit ang dahon,
Sumisilong ang ibon,
Sumasayaw ang alon.

Bayan
'Pag palasyo'y pinasok
Ng buwayang niluklok
Sistema'y mabubulok
Baya'y maghihimutok.

Nagbibigay aral
Mag-ipon sa'yong gusi
Nang ika'y may mahasi.
Pagdating ng tagbisi*
ay 'di ka magsisisi.

Kurakot
Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Naitago na kasi.

Mataas Pa
Itong dumapong langaw
Sa tuktok ng kalabaw
Ay tiyak masisilaw,
Sa sikat na tinanaw.

Sipag
Magsikhay ng mabuti
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Magbubuhay na hari.

Slow
Hindi ko rin malaman,
Hindi maunawaan
Mapurol kong isipan,
Isalang sa hasaan.

Tunay Na Yaman
Ako ay Filipino
Kulay tanso ng mundo
Ngunit tunay kong ginto
Nasa aking sentido.

Pipi
Puso ko’y sumisigaw
May bulong na mababaw,
Hindi naman lumitaw
Tinig ko’t alingawngaw!

Filipino
Tagalog ang wika ko
Hindi sikat sa mundo
Ngunit lantay at wasto
At dakilang totoo.

Ikaw Lang
Dasal ko sa Bathala
Sana’y makapiling ka
Sa luha ko at dusa
Ikaw ang aking sigla.

Paslit
Maraming mga bagay,
Na sadyang lumalatay,
Isip ko’y walang malay,
Sa hiwaga ng buhay?

Tanaga
Ang tanaga na tula
Ay sining at kultura
Tatak ng ating bansa
Hanggang wakas ng lupa.

Alon
Mistula walang alat
kung humalik ang dagat
sa pampang. Kung yumakap
ay mahigpit, banayad.

Ulan
Nabilanggo sa ulap,
ang tubig ay lumayas
mulang kulungang bulak
ng langit. Nagsitakas!

Dagat
Sa bughaw nitong pusod,
naroon ang nalunod
na alaala. Sugod
sa lalim ng paglimot!

Buwan
Mata ng gabi, bakit
mo pa ba sinisilip
kaming nananaginip?
Di ka ba nangangawit?

Sulyap
Patunay ng pagtingin
ang iyong tingin: Bangin
ang matang mapang-angkin.
Mahulog nang palihim.

Bulong
Malumanay ang tawid
ng salitang sinambit
sa tenga. Iyong bibig:
bukal ng aking kilig.

Ambon
Dampi ng langit, haplos
ng tubig sa alabok
ng alaalang tuyot --
pinapawi ang kirot.

Alaala
Umaalon sa isip,
kahapong iniihip
ng simoy ng pagkapit.
Sakit, nanunumbalik.

Gayuma
Tahak ng tingin, tulak
ng sulyap, yakap, lapat
ng titig sa balikat,
hatak pa, kindat, hatak.

Dalisay
Pinong puso, sa isip
nagkikimkim: Ang nais
ay dungis. Hindi linis,
kundi putik sa kinis!

Wagas
Walang kaso ang piyok
sa harana, ang pusok
sa kanta. Mas marupok
ang puro: Nabubulok.

Unang Halik
Lumanay ng talulot:
Bukadkad ang pag-irog
na marahang humagod
sa labing di malimot.

Pusok
Kumpas ng kilig, kabig
ng bibig ang manalig,
ligalig. Sa gilagid,
ang dila, kumakahig.
Labels:
Was this helpful?

Post a Comment

[blogger]

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget