Iba't Ibang Uri ng Bigkas ng mga Salita

Iba't iba ang bigkas ng mga salitang Filipino at ito ay nahahati sa anim. Narito ang mga sumusunod: 1. Maragsâ – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig, at binibigkas nang mabilis, tuloy-tuloy, at may impit na mabilis sa dulo. Ang diin ay nasa huling patinig, at ang sagisag o tuldik ng diin ay pakupya (^). 2. Malumì – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig, at binibigkas nang dahan-dahan, may saglit na paghaba o pagtaas ng patinig sa ikalawa sa huling pantig (penultima) nito, at may impit na banayad sa dulo. Ang diin ay nasa huling patinig, at ang sagisag ng diin ay paiwa (`). 3. Mabilís – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig o katinig, at binibigkas nang tuloy-tuloy, walang saglit na paghaba o pagtaas ng patinig sa penultima nito, at walang impit sa dulo. Ang diin ay nasa huling patinig, at ang sagisag ng diin ay pahilis (′). 4. Malúmay – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig o katinig, at binibigkas nang dahan-dahan, may saglit na paghaba o pagtaas ng patinig sa penultima nito, at walang impit sa dulo. Ang diin ay nasa patinig ng penultima, at ang sagisag ng diin ay pahilis (′) din. 5. Mariin – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig o katinig, at binibigkas nang may-kabigatan binibigkas sa ikatlo, ikaapat, ikalima, o higit pang pantig mula sa huling pantig. Ang diin ay nasa patinig ng ikatlo, ikaapat, ikalima, o higit pang pantig, at ang sagisag ng diin ay pahilis (′) din. Maaaring sa patinig ng huling pantig ay iba na ang diin. ika-3 mula sa huling pantig: maáarì, nárito, páwíkan, Saligáng-batás ika-4 mula sa huling pantig: ábuluyán, épilogó, nanggígitatà, nápipintô ika-5 mula sa huling pantig: mápagkamalán, mápariwarà, nangángalumbabà ika-6 mula sa huling pantig: págpapatiwakál 6. Malaw-aw – kapag ang salita ay binibigkas nang pahakdaw sa huling pantig ng salita, na mistulang pinaghihiwalay ang ikalawang huling katinig o huling katinig at ang huling patinig sa pamamagitan ng gitling (-) at hindi ng tuldik. agay-ay, agaw-aw, alay-ay, aliw-iw, an-an gab-i, ig-ig, palaman-an salag-oy, tung-ol ug-og, uk-ok, ut-ot

Iba't Ibang Uri ng Bigkas ng mga Salita

Iba't iba ang bigkas ng mga salitang Filipino at ito ay nahahati sa anim. Narito ang mga sumusunod:

1. Maragsâ – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig, at binibigkas nang mabilis, tuloy-tuloy, at may impit na mabilis sa dulo. Ang diin ay nasa huling patinig, at ang sagisag o tuldik ng diin ay pakupya (^).
/â/: akdâ, biglâ, digmâ, gawâ, hiyâ, likhâ, kutyâ, ngatâ, pisâ, tugmâ
/ê/: tulê
/î/: balî, daglî, gawî, hapdî, lunggatî, kimî, malî, ngitî, pigî, suhî, tupî
/ô/: bungô, gintô, hapô, kulô, pulô, samyô, tagô, upô, wastô, yukô

2. Malumì – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig, at binibigkas nang dahan-dahan, may saglit na paghaba o pagtaas ng patinig sa ikalawa sa huling pantig (penultima) nito, at may impit na banayad sa dulo. Ang diin ay nasa huling patinig, at ang sagisag ng diin ay paiwa (`).
/à/: binatà, diwà, galà, hinà, kalingà, lupà, malayà, pinsalà
/è/: nenè, tiyanggè
/ì/: amukì, busisì, dalirì, gusì, harì, kawalì, lipì, munì, ngingì, susì, tiyanì
/ò/: alò, birò, dapò, guhò, hangò, kurò, ligò, pugò, siphayò, tibò

3. Mabilís – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig o katinig, at binibigkas nang tuloy-tuloy, walang saglit na paghaba o pagtaas ng patinig sa penultima nito, at walang impit sa dulo. Ang diin ay nasa huling patinig, at ang sagisag ng diin ay pahilis (′).
/á/: amá, buká, dalá, gandá, hiningá, iná, limá, masayá, nilá, puntá
/é/: ataké, baldé, ditsé, gulpé, helé, kapé, plaké, sisté, tangké
/í/: aní, bilí, dumí, gabí, kamí, liksí, marumí, nirí, putaktí, tutubí, wilí
/ó/: anó, butó, damó, guló, hiló, kayó, litó, noó, pitsó, sikó, tuliró
/b/: dibdíb, habháb, kintáb, lublób, marubdób, subsób, tigíb
/d/: agád, bilád, gadgád, kidkíd, lingíd, manhíd, sunód, tagudtód
/g/: alóg, bibíg, dalág, kulóg, labág, pintíg, sahíg, tagtág, untág
/k/: anák, biták, dikdík, hibík, katók, lubák, purók, sinók, tiyák
/p/: atíp, dahóp, ganáp, hagíp, kisáp, langkáp, mailáp, saráp, takíp
/s/: aklás, bigás, dahás, gasgás, malakás, puspós, sintás, tamís
/t/: aklát, bigát, dikít, gupít, kidlát, lahát, malagkít, payát, sibát, tuyót
/b/: álab, dagítab, hílab, kútab, lúsob, pangánib, súkob, taláhib, úkab
/d/: ánod, búkid, hinúhod, káyod, malápad, páhid, súyod, tagúyod
/g/: bísig, dúmog, káhig, masípag, pag-íbig, sigásig, táyog, ulínig
/k/: álak, bátak, dágok, gáwak, kákak, lúsak, pílak, súlok, tútok
/p/: ágap, di-maísip, hagílap, kálap, língap, panagínip, sinop, úsap
/s/: ágas, búhos, dílis, gápas, hímas, kílos, lítis, páwis, siláhis, tíkas
/t/: áwat, bíngit, dúlot, gámit, hílot, kuyápit, lígat, maínit, súlat, talúlot

4. Malúmay – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig o katinig, at binibigkas nang dahan-dahan, may saglit na paghaba o pagtaas ng patinig sa penultima nito, at walang impit sa dulo. Ang diin ay nasa patinig ng penultima, at ang sagisag ng diin ay pahilis (′) din.
/a/: búnga, gáya, hiléra, kúya, lása, múra, nípa, páta, ráya, tinóla
/e/: áte, babáe, dóte, gábe, héle, kaliwéte, líbre, mónghe, putáhe
/i/: anáki, dáti, halígi, ígi, laláki, mabúti, ngísi, rámi, síbi
/o/: anímo, búko, dáyo, góto, hílo, kúto, líbo, magkáno, púto, táo
/l/: almusál, bukál, gatól, halál, kurál, lindól, mahál, pasyál, sugál
/m/: alám, dilím, gutóm, hirám, kimkím, lagím, malalím, pahám
/n/: bunton, doón, gaán, hagdán, kariktán, lakán, masdán, panahón
/ng/: abáng, bintáng, gulantáng, hilíng, kangkóng, lusóng, singsíng
/r/: bilyár, doktór, kolyár, lugár, menór, padér, talyér, ulsér
/w/: alíw, banláw, diláw, galáw, hiláw, kalabáw, litáw, pakyáw, sabáw
/y/: akbáy, bigáy, digháy, gabáy, hintáy, kamáy, suysóy, tuláy
/l/: ásal, bákal, dáhil, gígil, hiláhil, kalákal, lípol, pátol, súhol, tákal
/m/: ásim, bálam, gútom, hílom, kúlam, lágom, maínam, pakímkim
/n/: ákin, bilíhan, dúyan, haláman, kaibígan, likmúan, súman, tángan
/ng/: bílang, dáing, gíting, híging, kúlang, lúsong, magúlang, tábing
/r/: gárter, helikópter, kánser, líder, mártir, pláster, rebólber, talúrok
/w/: áraw, búgaw, dúngaw, gíliw, kágaw, línaw, sítaw, tákaw
/y/: álay, bágay, dúlang, gíray, hánay, kúlay, láboy, pálay, tinápay

5. Mariin – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig o katinig, at binibigkas nang may-kabigatan binibigkas sa ikatlo, ikaapat, ikalima, o higit pang pantig mula sa huling pantig. Ang diin ay nasa patinig ng ikatlo, ikaapat, ikalima, o higit pang pantig, at ang sagisag ng diin ay pahilis (′) din. Maaaring sa patinig ng huling pantig ay iba na ang diin.
ika-3 mula sa huling pantig: maáarì, nárito, páwíkan, Saligáng-batás
ika-4 mula sa huling pantig: ábuluyán, épilogó, nanggígitatà, nápipintô
ika-5 mula sa huling pantig: mápagkamalán, mápariwarà, nangángalumbabà
ika-6 mula sa huling pantig: págpapatiwakál

6. Malaw-aw – kapag ang salita ay binibigkas nang pahakdaw sa huling pantig ng salita, na mistulang pinaghihiwalay ang ikalawang huling katinig o huling katinig at ang huling patinig sa pamamagitan ng gitling (-) at hindi ng tuldik.
agay-ay, agaw-aw, alay-ay, aliw-iw, an-an
gab-i, ig-ig, palaman-an
salag-oy, tung-ol
ug-og, uk-ok, ut-ot

Mga Sanggunian:
Alexander Dagrit . September 24, 2009. Ang Tugma, Sukat, At Alindog Sa Tradisyonal Na Panulaang Pilipino. Retrieved from http://www.filipinowriter.com/ang-tugma-at-sukat-sa-tradisyonal-na-panulaang-pilipino
Almario, Virgilio S. Taludtod at Talinghaga: Mga Sangkap ng Katutubong Pagtula (1985).
Rizal, Jose. "Ang Sining ng Panulaang Tagalog" sa Mga Iba't Ibang Sinulat Ni Rizal (1964).
Santos, Lope K., Balarila ng Wikang Pambansa (1939).
Torres, Cesario Y. "Ang Tula" sa Makabagong Pananaw Sa Wika at Panitik (1976).
Labels:
Was this helpful?

Post a Comment

[blogger]

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget