Was this helpful?




Do you have something to say?

Post Comments

Mga Uri at Elemento ng Maikling Kwento

Mga Uri at Elemento ng Maikling Kwento

Ano ang Maikling Kwento?

Ang maikling kuwento ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Ang Maikling kwento ay binubuo rin ng mga Elemento nito at mayroon din itong iba't ibang uri.

Mga Elemento ng Maikling Kwento

1. Panimula - Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
2. Saglit na Kasiglahan - Nagpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa problema.
3. Suliranin - Problemang haharapin ng tauhan.
4. Tunggalian - May apat na uri: tao vs. tao, tao vs. sarili, tao vs. lipunan, tao vs. kapaligiran o kalikasan.
5. Kasukdulan - Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
6. Kakalasan - Tulay sa wakas.
7. Wakas - Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
8. Tagpuan - nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
9. Paksang Diwa - pinaka kaluluwa ng maikling kwento.
10. Kaisipan - mensahe ng kwento.
11. Banghay -pangyayari sa kwento.

Mga Uri ng Maikling Kwento

May siyam na uri ang maikling kuwento at ito ang mga sumusunod:
1. Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
2. Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
3. Sa kwentong bayan nilalahad ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
4. Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
5. Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
6. Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
7. Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
8. Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento.
9. Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kwento ng katatawanan.

Ano ang Maikling Kwento? Ang maikling kuwento ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Ang Maikling kwento ay binubuo rin ng mga Elemento nito at mayroon din itong iba't ibang uri. Mga Elemento ng Maikling Kwento: Panimula, Saglit na Kasiglahan, Suliranin, Tunggalian, Kasukdula, Kakalasan, Wakas, Tagpuan, Paksang Diwa, Kaisipan, Banghay.

Categories:

Post a Comment

[blogger]

Author Name

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.